top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

I-stop muna ang paglalamyerda… Mag-triple-ingat, iwasan nating lumabas!

BULGAR
Jan 7, 2022
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | January 7, 2021


Sa loob lamang ng ilang araw ay muli na namang pumutok ang kaso ng COVID-19 sa bansa na posibleng dulot ng Omicron variant.


Dahil dito, muling isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region, at sumunod naman ang iba pang lalawigan tulad ng Rizal, Cavite, at Bulacan.


“High risk” na rin ulit ang classification natin sa COVID-19 transmission.


☻☻☻


Hindi na bago ang mga “surge” ng COVID-19 sa bansa, kaya inaasahan nating natuto na tayo sa mga nakaraang surge at hindi na tayo mangangapa sa kung anong gagawin.

Sa harap ng mas nakahahawang Omicron variant, lalong mahalaga na maging mas agresibo pa sa pagbabakuna at pag-implementa ng mga health protocols.


Ayon sa Department of Health, mas handa na ang bansa na harapin at tugunan ang banta ng Omicron.


Bago pa man daw matapos ang taon ay inabisuhan na ang mga ospital na maghanda sa posibleng pagtaas ng bilang ng kailangang ma-ospital.


☻☻☻


Makikita natin sa susunod na mga linggo ang kahandaan ng pamahalaan sa pagtugon sa panibagong hamon na ito.


Kasabay nito, nananawagan tayo sa ating mga kababayan. Mag-triple-ingat tayo at limitahan natin ang paglabas hangga’t maaari.


Hindi pa tapos ang pandemya at kahit sandaling kapabayaan lang ay may dulot nang pinsala.


Mag-ingat tayong lahat.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page