top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

I'll Be There, ipinapatok sa 3YO Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 02, 2021



Magpapasiklaban ang walong bagitong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga ngayong araw ng Huwebes sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Ipinapatok ng mga karera tipsters sa programa ng karera si I'll Be There na rerendahan ni jockey CS Pare, masusubukan ang tikas sa 1,200 meter race.


Ayon sa ibang karerista, posibleng maging mahigpit na karibal ang kalahok na sina Darnados at magka-kuwadrang Illuminance at Eruption. "Nababalitaan ko lang sa mga kakilala kong tiyempista na mahusay si I'll Be There pero may nagsabi rin na mainam din si Darnados," saad ni Clarito Villegas.


Maliban sa mga nabanggit na kabayo, ang ibang kasali ay sina Always Somewhere, Will Of The Wind, Ola Ola Inday at Deltop On Time, nakalaan ang added prize na P20,000 para sa mananalong 3-year-old horse lamang. Inaasahan din na aabangan ng mga karerista ang bakbakan ng siyam na kabayo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangatlong karera.


Tiyak na magandang karera ang masisilayan ng mga karerista dahil sa P180,000 na karagdagang premyo ang ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Posibleng makakuha ng malaking suporta sa mga karerista sina Caraga Wonder, One Of A Kind at Tahiran Island. Makakatagisan ng bilis sina Caraga Wonder, One Of A Kind at Tahiran Island sina Manang Biday, Pitong Gatang, Jack Of Clubs, Lady Khaleesi, Shining Angel at Quincy.


May distansyang 1,400 meter race ang nasabing karera, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, pitong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page