top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

I-level-up ang diskarte kontra COVID-19!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | April 30, 2021



Nakakapanindig balahibo ang nararanasan ng India—nagkakaubos ang panggatong sa pagsunog sa mga bangkay ng biktima ng COVID.


Hindi malayong maranasan ito sa Pilipinas kung mananatiling pang-Grade 1 ang estilo ng paglaban sa pandemic!


◘◘◘


NAG-LEVEL-UP na ang ibang bansa sa pagresolba sa krisis, pero ang Pilipinas ay hindi pa rin umaangat.


Imbes na mabawasan, lumobo ang bilang ng mga nagkakasakit.


Nananatili tuloy sa MECQ ang NCR Plus hanggang sa Mayo 14!


◘◘◘


IKINUKUMPARA ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang sitwasyon sa bansa sa pagdedeliryo.


Kumbaga, naghihingalo at may saksak ng oxygen sa ilong!


◘◘◘


PINAIIMBESTIGAHAN ngayon ng grupo ni Cayetano kung saan napunta ang bilyun-bilyong piso inilaaan sa Bayanihan Act 1 at Bayanihan Act na napagtibay sa panahon ng kanyang panunungkulan.


Mahalagang masuri kung ano ang resulta ng Bayanihan 1 at 2 upang hindi maulit ang ilang probisyon na mali—at mapagbuti at magamit muli ang ilang probisyon na epektibo!


◘◘◘


WALANG masama sa “call to action” na panawagan ng grupong BTS sa Kamara na busisiin munang mabuti ang implementasyon ng naunang batas bago mapagtibay ang Bayanihan 3.


“Kung ano ang tama sa Bayanihan 1 and 2 kailangan sa Bayanihan 3. Kung ano ang mali, dapat i-correct; kung ano’ng hindi inilabas na pondo, dapat sagutin ng gobyerno bakit’’, pakiusap ni Cayetano.


◘◘◘


DAPAT bulatlatin kung ano ang nangyari sa P4 bilyong na pondo ng DepEd sa ilalim ng Bayanihan 2 na dapat sana ay pambili ng mga tablet at laptop para sa mga estudyante na nasa ilalim ng online learning sa ngayon.


Mahigit walong buwan ng naisabatas ang Bayanihan 2 ay wala pa ring ipinamimigay na tablet at laptop ang DepEd!


◘◘◘


KAHIT “paracetamol” na tabletang panggamot ay wala ring nailabas ang DepEd.


Ano nga ba ang mga programang hindi napondohan mula sa P23-B na inilaan sa mga pamilyang Pilipino nitong nagdaang NCR plus bubble bago nag-anunsiyo ng ECQ ang Palasyo?


◘◘◘


NAGAMIT ba ang pondo para sa 50,000 na contact tracers para mapadali ang identification ng mga taong posibleng nahawaan ng COVID-19?


Kailangan talagag malaman kung ano ang mga pagkukulang sa pagpapatuad ng Bayanihan 1 and 2 kung meron man upang magsilbing aral sa tatalakaying Bayanihan 3 na mas malaking stimulus package para sa ating mga kababayan!


◘◘◘


HINIKAYAT din ni Cayetano ang gobyerno na maglatag ng distribution plan ng bakuna sa buong bansa upang kalmahin ang isipan ng mga local government units na walang pondo para ipambili ng bakuna.


Kumbaga, extraordinary times calls for extraordinary measures.


Hindi dapat maranasan ng mga Pinoy ang nararanasang “impiyerno” ng mga taga-India!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page