top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Huwag sisihin sa “bill shock”... 4Ps, walang appliances — DSWD Sec. Gatchalian

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 8
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | May 8, 2026



Rex  Gatchalian - FB

Photo: File / Rex Gatchalian - FB



Ipinagtanggol ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nadadamay sa isyu ng pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco). 


Giit ni Gatchalian, “fake news” ang pahayag na 4Ps ang dahilan ng mataas na bill noong Abril. 


“Hindi 4Ps ang rason kung bakit lumaki ang pagsingil noong April. ‘Yung bill shock na ‘yun nanggaling sa sarili nilang generation. Tumaas ang generation expense nila,” ani Gatchalian. 

Paliwanag pa niya, maliit lamang ang konsumo ng kuryente ng 4Ps households kumpara sa mga residential at commercial users. 


“‘Pag sinumatotal mo lahat, ang average n’yan, wala pang kalahati ng sentimo ang napupunta sa lifeline rate, P0.40 centavos. Ibig sabihin wala pang kalahati sa isang sentimo…Kasi nga ang 4Ps halos wala namang appliances sa bahay… To the most isang electric fan at ilang bumbilya. So hindi sila ang rason kung bakit sumipa ng ganu’n kalaki,” dagdag niya. 


Batay sa datos, nasa 135,411 lamang na 4Ps households ang kasali sa Lifeline Rate Subsidy Program, kumpara sa 8.11 milyong customers ng Meralco na binubuo ng residential, business, at industrial users. 


Sa usapin naman ng panukalang pagrebisa sa Expanded Lifeline Rate Law, bukas ang DSWD sa pagbabago basta’t hindi ipapasa sa consumers ang dagdag gastos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page