top of page
Search

ni BRT @News | April 27, 2026



Ayuda sa mga drivers - Department of Social Welfare and Development - DSWD


Umabot na sa mahigit P5.65 bilyon ang kabuuang halaga ng naipamahaging cash assistance sa mga jeepney driver.


Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na tiyaking maiparating sa bawat transport driver ang P5,000 cash ayuda.


Kaugnay nito, as of April 25, nasa 1,130,333 PUJ drivers na umano ang nakatanggap ng tulong-pinansyal mula sa mga payout na isinagawa nitong mga nakaraang araw nationwide.


 
 

ni Jeff Tumbado @News | April 20, 2026



Nabatid kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng ahensya sa pamilya ng biktima.


Nasawi ang isang motorcycle taxi rider habang nakapila para kumuha ng ayuda o cash assistance ng gobyerno sa Quezon Memorial Circle, sa Quezon City nitong Sabado.


Nabatid kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng ahensya sa pamilya ng biktima.

Dagdag pa ni Gatchalian na nakausap na nila ang anak ng nasawi at tiniyak na tutulungan ang pamilya sa maayos na pagpapalibing.


Sasagutin din ng DSWD ang iba pang pangangailangan ng pamilya, kabilang ang gastusin sa ospital, burol at libing, transportasyon ng mga kaanak mula probinsya, at maging ang patuloy na pag-aaral ng anak ng rider.


Personal ding binisita ni Gatchalian ang pamilya sa ospital kahapon ng umaga at tiniyak ang tulong ng pamahalaan.


Matatandaang dagsa ang mga motorcycle taxi at delivery riders na pumila sa Quezon Memorial Circle upang tumanggap ng tig-P5,000 cash relief mula sa DSWD, na ipinamamahagi bilang tulong sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng giyera ng US-Israel at Iran.


Makikitang mahaba ang pila ng mga rider sa paligid ng Circle, habang ang ilan ay gumagamit ng karton upang pansangga sa matinding init ng araw.


Hinikayat naman ng DSWD ang mga benepisyaryo na personal na magtungo upang kunin ang ayuda, ngunit sinabi rin ng ahensya na planong ilipat sa digital system ang distribusyon ng tulong sa hinaharap upang maiwasan ang ganitong insidente.


 
 

ni Mai Ancheta | June 5, 2023




Nagtakda ng panuntunan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mapapabilang sa food stamp program ng pamahalaan.


Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, kailangang mag-enroll sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na lilikha ng trabaho ang mga benepisyaryo para makasama sa food stamp program.


Binigyang-diin ng opisyal na layon nito na matigil na ang kultura ng pagiging palaasa sa tulong na ibinibigay ng gobyerno.


"Itong design na ito para sa food stamp program ay multi-purpose. Hindi lang kami puro ayuda na kinalakihan ng ating mga kababayan. Kami ay nagiging developmental na," ani Punay.


Sinisiguro aniya ng DSWD na hindi nakadepende lang sa ayuda at tanggap nang tanggap ang mga tao.


Para manatili aniya sa food stamp program ang mga mahihirap, hihingan ng requirements ang mga ito na mag-submit ng sertipikasyon na naghahanap sila ng trabaho sa pamamagitan ng DOLE at TESDA.


Ang food stamp program ay popondohan ng P40 billion kung saan tig-tatlong libong piso ang ibibigay na allowance sa target na isang milyong pinakamahihirap na pamilya sa pamamagitan ng electronic benefit transfer (EBT) cards.


Ang EBT ang gagamitin ng mga benepisyaryo para ibili ng pagkain sa mga accredited local retailers ng DSWD.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page