top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Huwag maging pasaway ngayong araw ng mga patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 1, 2021



PARA IWAS-COVID-19, NGAYONG PISTA NG PATAY, HUWAG MAGING PASAWAY--Undas ngayon, o Pista ng mga Patay.


Sana ay sundin ng ating mga kababayan na may namayapang mahal sa buhay ang panawagan ng pamahalaan na huwag munang pumunta sa mga sementeryo dahil patuloy pa rin nananalasa ang coronavirus.


Mauunawaan naman ng mga yumao nating mahal sa buhay na nasa kabilang-buhay kung hindi man sila madalaw sa araw mismo ng Pista ng mga Patay, dahil nananalasa pa rin ang virus, at tiyak na ayaw din nilang tayo ay mapahamak sa panganib na dala ng coronavirus.


Sana ay huwag maging pasaway sa araw ng Pista ng mga Patay, period!


◘◘◘


NAGPAPA-ENDORSO KAY MAYOR SARA, PULITIKONG MAY POLITICAL DYNASTY--Kapuna-puna na karamihan sa mga pulitikong nagtutungo kay presidential daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio at nagpapataas ng mga kamay at nagpapa-endorso ng kanilang mga kandidatura ay mula sa mga politicians na may political dynasty.


Kunsabagay, hindi naman kataka-taka na kay Mayor Sara sila magpa-endorso kasi ang pamilya Duterte at nagtataguyod din ng political dynasty, pwe!


◘◘◘


PATI ORGANISASYON NG MGA ABOGADO SA ASYA, KONTRA NA MAGING MEMBER NG ILC SI HARRY ROQUE--Hindi lang mga Pilipinong abogado at aktibista, kundi pati samahan ng mga abogado sa buong Asya, na kinabibilangan ng Confederation of Lawyers in Asia and the Pacific ay nananawagan na rin sa International Law Commission (ILC) na huwag nilang gawing miyembro si Presidential spokesman Harry Roque.


Sana, pakinggan ng ILC ang mga panawagang ito kasi bad tingnan na ang isa sa miyembro nila (ILC) ay spokesman ng presidenteng may kaso ng human rights violations at crimes against humanity sa ICC (International Criminal Court), period!


◘◘◘


MAY PINATAY NA NAMANG MEDIAMAN, KAYA'T HINDI NA DAPAT I-MEMORIZE BAKIT NO. 7 ANG 'PINAS SA MUNDO NA MARAMING PINATAY NA JOURNALISTS--Isa na namang mamamahayag, si Orlando Dinoy ng radio-online news na Newsline Philippines na nakabase sa Mindanao ang pinagbabaril hanggang sa mapatay kamakalawa sa Davao Del Sur.


Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit sa global impunity index ng Committee to Protect Journalist ay itinala nito na pang-number 7 ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may maraming pinatay na mamamahayag, tsk-tsk-tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page