top of page

Hustisya sa ‘Pinas wa’ ‘wenta, kasi sangkot sa P41B scam, nagpiyansa ng P90K lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Sep. 20, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

WALA NANG PAG-ASANG UMASENSO ANG ‘PINAS KASI ANG GUSTONG IPANALO NG MAJORITY PINOY SA ELECTION MULA SA POLITICAL DYNASTY -- Sa magkasunod na senatorial survey na inilabas ng SWS at OCTA, majority sa pumasok sa top 12 ay mula sa political dynasty o magkakamag-anak na pulitiko.


Kung ang naturang survey ay ito rin ang magiging resulta sa 2025 midterm election, ibig sabihin, karamihan sa mananalong senador ay mula sa political dynasty, ay wala na talagang pag-asang umasenso ang Pilipinas, wala nang pag-asang umahon pa sa kahirapan ang mga maralitang Pinoy kasi ayon nga sa kasaysayan, ang mga bansang may namamayagpag na political dynasties, ang dulot ay paghihirap ng kanilang mamamayan, tulad sa mga bansa sa Africa, Latin America at Asia, kabilang dito ang ‘Pinas, boom!


XXX


SARA-BBM SA 2028 ELECTION, TABLADO KAY VP SARA -- Tinanong ng mga mamamahayag si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio kung sa 2028 presidential election ay willing siyang maka-tandem si Pres. Bongbong Marcos (PBBM), na ibig sabihin nitong last 2022 election ay BBM-Sara tandem sila at kung sa halalan sa year 2028 ay magka-tandem uli sila, Sara-BBM o Sara for president, Bongbong for vice president, ang bilis ng sagot ng bise presidente ng, “Never again.”


Ang sinabing ito ni VP Sara ay pagpapatunay na wala na siyang tiwala kay PBBM, period! 


XXX


DYOWA NI CALOY, KONTRABIDA SA PAMILYA YULO -- Ayon kay showbiz host Cristy Fermin, kung mawawala raw sa buhay ni 2 gold medalist Carlos Yulo ang dyowa nito na si Chloe San Jose ay tiyak daw magkakabati uli ang mag-inang Angelica at Caloy, at babalik na uli ang golden boy sa kanyang tunay na pamilya.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Cristy Fermin na ang dyowa ni Caloy ang kontrabida sa pamilya Yulo, boom!


XXX


EX-DBM-PS CHIEF LLOYD CHRISTOPHER LAO NA SANGKOT SA P41 B PHARMALLY SCAM, NAGPIYANSA LANG NG P90K, BUSET! -- Matapos dakpin ng mga otoridad sa kasong graft si former Dept. of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) chief, Lloyd Christopher Lao kaugnay sa P41 billion Pharmally scam, ay nakalaya din agad ito nang makapagpiyansa ng P90,000.


Ganyan kawalang kuwenta ang hustisya sa ‘Pinas, kasi mantakin n’yo, P41 B ang kinasangkutang scam ni Lao, tapos ang piyansa lang niya ay P90K, buset!

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page