Humarap sa Senado… MARICEL, NAGSALITA NA SA PAMBUBUGBOG SA 2 MAIDS
- BULGAR
- May 8, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 8, 2024

Ang unsolicited advice ng fans at netizens kay Maricel Soriano ay kasuhan ang mga taong nanira sa kaniya tungkol sa usaping drugs, pagkatapos niyang dumalo sa hearing sa senado tungkol sa PDEA leaks.
Sabi pa ng netizens, tutulong sila sa pag-compile ng TikTok videos para maging ebidensya ng aktres kung sino ang kanyang kakasuhan.
Pinuri si Maricel dahil matapang na humarap sa senado para sagutin ang mga tanong sa kanya ng mga senador. Ang tanong tuloy ng mga netizens, bakit si Pastor Quiboloy hindi nila mahanap para humarap sa senado?
Aliw ang sagot ni Maricel sa tanong ni Sen. Bato dela Rosa, kung totoong binugbog niya ang dalawang kasambahay niya na umalis dahil ninakawan siya. Sagot ni Maricel,
“Paano ko po sila bubugbugin, eh, dalawa po sila.”
Comment tuloy ni Teddy Casiῆo, “So what was the point of inviting Maricel Soriano to the Senate hearing? ‘Yung lang pala itatanong n’yo. Sinayang n’yo lang ‘yung oras nu’ng tao. Ginamit n’yo lang yung starpower n’ya for your grandstanding.”
Comentários