Huling kasama ng Superstar sa ospital bago namatay… JOHN, UMAMING NA-FEEL NA ‘DI WELCOME SA BUROL AT LIBING NI NORA
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 27, 2025
Photo: John Rendez sa Unplugged with Julius Babao - YT
Nakapanayam ni Julius Babao para sa kanyang YouTube (YT) Channel na Unplugged si John Rendez sa ika-40 days ng kamatayan ng Superstar/National Artist na si Nora Aunor.
Ikinuwento ng matagal nang rumored live-in partner ni Nora na nandoon siya sa ospital noong pumanaw ang Superstar at inalala niya ang huling sandali, kung saan hinawakan niya ang kamay ng aktres habang ito ay umiiyak.
Ayon kay John, nagulat sila sa biglaang pagpanaw ni Nora matapos ang angioplasty na inakala nilang magiging maayos ang resulta.
Aniya, “I remember holding her hand, thinking ‘This will be okay, it’s gonna be okay.’ And she was crying, I was singing to her.”
Dumating din umano si Imelda Papin at ilang mga anak ni Nora upang samahan siya sa huling sandali.
Aniya, “They were singing ‘Praise the LORD’ and she was gone.”
Ibinahagi ng singer na naramdaman niyang hindi siya welcome sa burol at libing ni Ate Guy.
Sa kabila ng sakit ay sinisikap niyang mag-move on at aniya, mas naging malapit siya sa Diyos dahil sa pangyayari.
“Masakit ang pagkawala ng isang mahal sa buhay—lalo na kung ang iniwan ay ‘di lamang isang kaibigan, kundi isa ring haligi sa iyong personal na paglalakbay,” ang paglalarawan ni John matapos ang pagpanaw ng National Artist.
“I’m moving on po, I’m trying to stay positive. Dealing with the loss of someone you love is never easy,” ani John.
Aniya, may kapayapaang naidulot ang mas malapit niyang relasyon ngayon sa Diyos—isang bagay na kanyang kinapitan upang muling buuin ang sarili.
Bagama’t tila naisantabi siya sa ilang bahagi ng burol at libing, hindi na rin masyadong binigyang-diin ni John ang isyu.
Ang mas mahalaga sa kanya ngayon ay ang alaala ni Nora at ang panibagong direksiyon na itinuturo ng Diyos sa kanyang buhay.
HINANGAAN ang Megastar Sharon Cuneta sa kanyang simple at komportableng OOTD (outfit of the day) na ipinost niya sa kanyang Instagram (IG) Stories.
Naka-jeans siya, sweatshirt and with matching sneakers, showcasing her laid-back style.
Aniya sa caption, “OOTD. Simple lang but comfy! That'’s all.”
Komento ng mga netizens: “Ang cute!”
“‘Di mo aakalaing 59 na si Mega, mukha kasing 25.”
“Sexy mo Ma!”
“Bawing-bawi naman po sa bag.”
“Looking young as the years go by. Keep it up. Shagab (Sharon at Gabby) forever.”
Pagbabalik-tanaw naman ng isang fan, “Sana makita kita rito sa NY (New York), lol (laughing out loud). Kuwentuhan kita paano kami bina-bass ng bumbero nu’ng sobrang siksikan sa harap ng sinehan nu’ng pinalabas ang Bukas Luluhod Ang Mga
Tala sa Tuguegarao. OMG, it’s one of my most unforgettable experiences, nagka-trauma ako.”
NAALIW si Sofia Andres sa mga nag-a-apply na personal assistant (PA) sa kanya.
Nag-viral sa social media ang paghahanap niya ng bagong PA dahil sa nakakalokang requirements na hinahanap niya sa mga planong mag-apply.
Sa kanyang Instagram (IG) Story, mababasa ang post niya na, “Now hiring a Personal Assistant who can read my mind, organize my chaos, and remind me where I left my coffee (and my schedule).”
Marami raw nagpadala ng application, at ilan nga rito ay ipinost ni Sofia sa kanyang IG, kabilang na ang nagsabing ang mga hinahanap daw niya ay nasa sikat na psychic na si Rudy Baldwin.
“Si Baldwin ang dapat niyang i-hire. Hindi lang isip niya ang kayang i-predict, kundi ang buong Pilipinas. Charot!” sabi ng isang nagkomento.
Ibinahagi rin niya ang screenshots ng mga natanggap niyang application letters.
“Your PA Pro Max (10x Advance). Hi, Sofia. I hope you’re doing well. Please find my resume attached for your consideration. Thank you for your time, and I look forward to hearing from you.”
Komento ni Sofia, “Send help (laughing emojis).”
Sey ng isa pang nag-apply, “Your PA/ka-chismisan (pinaplano mo pa lang, nagawa ko na).”
Ang comment ni Sofia, “I think pasok ka na sa next round! (laughing in tears emojis).”
Ayon naman sa isang aplikante, feeling niya ay super-qualified siya sa hinahanap na PA ni Sofia.
Sey nito, “Ako na lang, please. Mabilis po ako maglakad, keri ko kahit 20 steps ahead… Mind reading? Easy. Hindi problema ‘yan, may third eye ako. Hahaha! Emz!”
Ang tanging reaksiyon ng aktres, “Amay!”