top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hubaran ng maskara ang mga nasa likod ng “smuggled bakuna” sa ‘Pinas!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 30, 2020



SMUGGLED VACCINE ANG IPINANGTUROK SA TROPANG DUTERTE, PSG AT ARMY?—Nadismaya si FDA Director General Eric Domingo nang makumpirmang may mga miyembro ng Gabinete, sundalo ng Presidential Security Group (PSG) at Philippine Army (PA) na naturukan ng bakunang gawang China kahit na hindi pa ito aprubado ng kanilang tanggapan (DFA), at dahil d’yan ay nasabi niyang may nakakapasok na palang COVID-19 vaccines sa bansa nang hindi nila nalalaman.


Kulang na lang, sabihin ni DG Domingo, na ang itinurok sa mga sundalo ng PSG at PA ay mga smuggled na bakuna, boom!


◘◘◘


DAPAT UMAKSIYON ANG MGA TAGA-SENADO AT KONGRESO, HUBARAN NG MASKARA ANG NASA LIKOD NG SMUGGLED VACCINE—Ang anumang bakuna o gamot at pagkain na mula sa ibang bansa ay dapat isailalim muna sa pagsusuri ng FDA bago ito ibenta sa publiko, at dahil nakapasok sa Pilipinas ang bakuna na gawang China nang hindi nalalaman at nasusuri ng FDA, lumalabas ngayon na smuggled nga ang bakunang ito.


Dapat imbestigahan agad ‘yan ng Senado at Kongreso para mahubaran ng maskara at makilala ng publiko kung sinu-sino ang mga nasa likod ng smuggled vaccines sa ‘Pinas, period!


◘◘◘


BAKA LALONG MANABA ANG ILANG PULIS SA SISTEMANG SA PNP NA HIHINGI NG PERMIT ANG MGA GAMBLING LORDS—Sinabi ni PNP (Philippine National Police) Chief, Gen. Debold Sinas na base sa napagkasunduan nila ni PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, na ang sinuman daw gambling lords na nais mag-operate ng mga pasugalan sa bansa ay dapat humingi muna ng permiso sa kapulisan.


Ganun, basta’t may permiso ng PNP ay puwede nang magpalaganap ng iba’t ibang uri ng pasugalan sa bansa ang mga gambling lords?


Aba, baka dahil d’yan ay lalong manaba ang ilan sa mga opisyal ng PNP, buwisit!


◘◘◘


GEN. DANAO, IPINANGHINGI RAW NG “PAMASKO” NINA “MADAM REYNA” AT “CESAR PILOSOPO” SA MGA ILEGALISTA—May impormasyon na bukod daw sa “tongpats” ay ipinanghingi rin daw nina alyas Madam Reyna at Cesar Pilosopo ng “pamasko” sa mga ilegalista sa Metro Manila si NCRPO (National Capital Regional Police Office) Director, Gen. Vicente Danao.


Isa si Gen. Danao sa mga police general na galit sa korupsiyon, kaya’t malamang kapag nalaman niyang ginagamit nina Madam Reyna at Cesar Pilosopo ang kanyang pangalan sa kawalanghiyaan ay malamang “tokhang” ang aabutin ng dalawang “tongpats” collector na ito, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page