top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg

HPG, na-hit-and-run ng SUV sa SLEX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 8, 2026



Hit and run - PNP-HPG Region IV-A

Photo: PNP-HPG Region IV-A



Nanawagan ang National Police Commission (Napolcom) para sa mabilis na imbestigasyon kaugnay sa insidente ng hit-and-run na kinasangkutan ng isang motorcycle rider ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at isang sport utility vehicle (SUV) sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong Sabado.


Batay sa video na kumakalat sa social media, nabangga ng SUV ang pulis na sakay ng motor na, sa halip na tulungan ay tinakasan.


Sa inilabas na pahayag nitong Linggo, sinabi ni Napolcom Executive Director and Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, na isang nakakaalarmang insidente ang nangyari na hindi lamang naglagay sa panganib ng isang alagad ng batas na gumaganap ng kanyang tungkulin kundi maging sa iba pang mga motorista sa kalsada.


Samantala, sinabi ng PNP-HPG na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng SLEX upang matukoy at maaresto ang driver na sangkot sa insidente.


Ayon pa sa HPG, nasa maayos na kondisyon ang pulis matapos magtamo ng minor injuries sa insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page