top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT
Search

ni Jeff Tumbado @News | June 8, 2026



Hit and run - PNP-HPG Region IV-A

Photo: PNP-HPG Region IV-A



Nanawagan ang National Police Commission (Napolcom) para sa mabilis na imbestigasyon kaugnay sa insidente ng hit-and-run na kinasangkutan ng isang motorcycle rider ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) at isang sport utility vehicle (SUV) sa South Luzon Expressway (SLEX) nitong Sabado.


Batay sa video na kumakalat sa social media, nabangga ng SUV ang pulis na sakay ng motor na, sa halip na tulungan ay tinakasan.


Sa inilabas na pahayag nitong Linggo, sinabi ni Napolcom Executive Director and Vice Chairman Atty. Rafael Calinisan, na isang nakakaalarmang insidente ang nangyari na hindi lamang naglagay sa panganib ng isang alagad ng batas na gumaganap ng kanyang tungkulin kundi maging sa iba pang mga motorista sa kalsada.


Samantala, sinabi ng PNP-HPG na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa pakikipag-ugnayan sa pamunuan ng SLEX upang matukoy at maaresto ang driver na sangkot sa insidente.


Ayon pa sa HPG, nasa maayos na kondisyon ang pulis matapos magtamo ng minor injuries sa insidente.


 
 

ni Jef Tumbado @News | March 26, 2026



(PNP-HPG) Acting Director PBGen. Jessie Tamayao - Highway Patrol Group


Nagbitiw sa puwesto si Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Acting Director PBGen. Jessie Tamayao matapos sampahan ng reklamong sexual harassment ng isang babaeng pulis sa National Police Commission (NAPOLCOM).


Sa isang pahayag, itinanggi ni Tamayao ang akusasyon, “I want to state, in the clearest and most categorical terms, that I am innocent of these charges… I firmly deny the allegations. I can only deduce this as a personal vendetta the reason of which I am not aware”.


Nahaharap sa reklamong administratibo si Tamayao matapos magsampa ng kasong sexual harassment ang isang babaeng pulis laban sa kanya nitong Martes.

Pinangalanan si Tamayao sa limang pahinang sinumpaang salaysay na isinumite sa NAPOLCOM Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS).


Ayon sa complainant, niyaya siyang makipagtalik ng opisyal at umano’y hinawakan ang kanyang puwet. Sinamahan umano ito ng pananakot at pagbabanta, kabilang ang posibilidad na mailipat siya sa Mindanao kung hindi siya papayag sa mga hinihingi nito.


Ibinunyag din ng complainant na in-access ng opisyal ang kanyang cellphone nang walang pahintulot, binasa ang kanyang mga mensahe, at kinunan ng larawan ang mga laman ng kanyang gallery, Messenger, at Viber.


Pinagbantaan din umano siya na gagamitin ang mga ito laban sa kanya sakaling magsumbong siya sa dating HPG Director na si Hansel Marantan.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 27, 2021




Patay ang 2 lalaking magkaangkas sa motor, matapos umanong makipagbarilan sa Highway Patrol Group (HPG) kaninang madaling-araw sa Mount Apo Drive, Nova Hills Subdivision, Barangay Bagumbong, Caloocan City.


Ayon sa ulat, magkatuwang ang HPG at Caloocan Substation 9 sa pagsasagawa ng anti-carnapping at anti-criminality operation nu’ng oras na iyon, kung saan isa-isang pinahihinto ang mga motorista upang suriin ang kahina-hinalang kilos sa checkpoint.


Mangyari’y pinahinto ng HPG ang 2 lalaki, subalit nagpatuloy lamang ang mga ito at pinaharurot ang motor upang makalagpas sa checkpoint. Doon na nga nagkaroon ng habulan at barilan na ikinasawi ng dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang identity ng mga biktima dahil wala silang ID at wala ring kamag-anak na lumalapit sa mga awtoridad.


Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa nangyaring insidente, kung saan wala pang witness na tumetestigo upang kumpirmahin ang pahayag ng HPG.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page