top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hotshots at Beermen, babawian kaya ang Giga at Road Warriors?

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | September 08, 2021




Balik-aksiyon ang mga koponan ng mag-utol na San Miguel Beermen at Barangay Ginebra Gin Kings ngayon kontra undefeated na TNT Tropang Giga at magbabawi ring Rain or Shine E- Painters habang magtatapat sa unang laro ang tabla sa No.2 na Magnolia Hotshots laban sa back-to-back winner na NLEX Road Warriors sa 46th PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Tatangkain ng Road Warriors (4-2) na mapahaba pa ang winning streak sa apat at makuha ang 2nd spot, kahit na wala ang main court general na si Kiefer Ravena na nasa Japan, laban sa delikadong Magnolia Hotshots (5-2) na tiyak na magbabawi sa huling pagkatalo laban sa unbeaten Tropang Giga sa 12:30 p.m.


Haharapin ng Giga (6-0) ang Beermen (3-2) sa 3 p.m., habang magtatagpo ng 6 p.m. ang ROS (4-3) at Gin Kings (2-3).


Parehong hindi nakalaro ang Beermen at Gin Kings noong Biyernes at Linggo kalaban sana ang Alaska Aces (2-4) at Meralco Bolts (5-2) matapos mailagay sa health and safety protocols ang mga ito.


Hindi naman mapapabilang ang Aces at Bolts sa mga lalaro ngayong Miyerkules hanggang Linggo, habang babalik sa laro ang Northport Batang Pier (1-3) bukas, Huwebes, kalaban ang kulelat na Blackwater Bossing (0-7) sa 2nd game. “It's always dangerous playing a good team after a loss They have the ability to bounce back strong against any team. It just so happened we are in their way,” wika ni Guiao.

Tiyak namang babawi ang big 3 ng Hotshots na sina Calvin Abueva, Paul Lee at Ian Sangalang, katulong sina Mark Barroca, Jio Jalalon, Jackson Corpuz, Rome Dela Rosa at veterans Rafi Reavis at Justin Melton sa 76-83 na pagkatalo sa Giga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page