top of page
Pokwang.jpg

Hotel gumuho, 1 patay, 40 na-trap

Writer: BULGAR
BULGAR
May 25
2 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 25, 2026



Ang gumuhong 9-palapag na hotel building sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga habang isinasailalim sa search and rescue operations dahil sa naiulat na may ilang tao ang naipit. (Jeff Tumbado)

Photo: Ang gumuhong 9-palapag na hotel building sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga habang isinasailalim sa search and rescue operations dahil sa naiulat na may ilang tao ang naipit. (Jeff Tumbado)



Gumuho ang isang 9-storey building na kasalukuyang itinatayo sa Teodoro St., Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, madaling-araw ng Linggo.


Habang isinusulat ang balitang ito, isang bangkay ang narekober sa 2nd floor ng katabing hotel na nadamay sa pagguho ng nasabing building. Kinumpirma ni BFP Officer-in-Charge F/Chief Supt. Rico Kwan Tiu na ang katawan ng PWD na Malaysian national ang nakuha ng search and rescue team.


Samantala, ayon kay Jay Pelayo, information officer ng Angeles City Public Information Office (PIO), bandang alas-3 ng madaling-araw nang biglang mag-collapse ang itinatayong hotel building kung saan tinatayang nasa 30 hanggang 40 umano ang na-trap.


Kaugnay nito, nasa 26 katao na pawang mga construction workers ang sinasabing nailigtas na ng mga otoridad habang dalawa pa ang na-rescue mula sa isang apartelle na tinamaan ng pagguho ng gusali. Nagtamo ng minor abrasions ang mga biktima at nasa maayos nang kondisyon.


Nakaligtas din nang walang sugat ang project foreman at 10 construction workers nito matapos makatakbo palayo bago tuluyang bumagsak ang gusali.


Patuloy namang nagsasagawa ng search and rescue operations ang BFP at ang Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) dahil may ilan pang manggagawa ang naiulat na naipit sa gumuhong gusali.


Ayon kay Pelayo, hindi pa matiyak ang eksaktong sitwasyon sa ilalim ng mga guho ngunit patuloy ang search and rescue operation ng mga otoridad.


Kasabay ng rescue operation, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan kaugnay sa legal na estado at structural history ng gusali.


Personal na ring nagtungo sa lugar si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin II upang pangunahan at bantayan ang rescue operations.


1 Comment


amongusfree
Oct 07

Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad habang sinusuri ang lugar at inaalam ang sanhi ng pagguho. Nakatutok Among Us din ang mga rescue worker sa posibleng mga nakaligtas na maaaring humingi ng tulong mula sa ilalim ng mga labi.

Edited
Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page