top of page
WINNER - MOCHA, NAGSALITA NA SA KALAT NANG NABUNTIS NI SEN. ROBIN-IG _mochauson & _robinpa

Horoscope | Setyembre 9, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 9, 2026 (Miyerkules): Kakambal mo ang panalo. Kaya huwag na huwag mong aatrasan ang anumang hamon ng iyong kapalaran. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Gawin mo anumang gusto mo. Wala kang dapat ipag-alala, dahil langit mismo ang aalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-14-21-26-29-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas lang naman ng loob ang tunay na puhunan ng mga mayayaman. Kaya ang payo para sa iyo, dagdagan mo pa ang lakas ng loob mo upang mabilis kang umunlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-20-25-30-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo pa ang iyong mga kilos at aktibidad. Kumbaga, kumilos ka nang kumilos, na parang hindi napapagod upang hindi masayang ang masuwerte mong araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-27-28-33-34.


CANCER (June 21-July 22) - Kumuha ka ng lakas sa pangarap mo upang gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-25-36-39-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tama ang pakiramdam mong mas mahusay ka kaysa sa iba, pero higit sa lahat, ang kailangan mo ay ilagay ang husay at galing mo sa pagpaparami ng iyong kayamanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-24-32-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Binabawasan ang sobra at dinaragdagan naman ang kulang. Malayo ka pa sa sobra, kaya kulang ka pa. Magpatuloy ka sa pag-iipon at huwag magsayang ng mga nasa iyo na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-29-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo ang katotohanan na kapag hindi mo kaya, huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-19-22-31-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon mo kailangang paghandaan ang pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-26-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tuluy-tuloy na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang mga biyaya at pagpapala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-15-25-27-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Totoong mabigat ang kinakaharap mo. Gayunman, huwag kang matakot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-28-33-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang takbo ng kapalaran mo ngayon dahil ang umalis na pinanghinayangan mo ay papalitan agad ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-21-29-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kanino ka higit na sasaya? Kanino pa nga ba, eh ‘di sa mga kaibigan mo. Gayunman, huwag mong pansinin ang mga taong nagtatampo sa iyo, sila ang may pagkukulang at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-13-22-32-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page