top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg

Horoscope | Oktubre 23, 2026 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 23, 2026 (Biyernes): Bilis ang sandata mo para makamit ang lahat ng layunin mo sa buhay. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng kayamanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na para bang nasa kamay mo na lahat ng gusto mong makamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag nag-alinlangan ka, talo ka. Bukod sa magiging talunan ka, maiiwanan ka pa ng iyong mga karibal. Kaya huwag na huwag kang mag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-21-25-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang araw na darating. Papaboran ka ng mga pagkakataon, kaya huwag mong sayangin o balewalain ang mga araw na masuwerte ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-19-23-36-44.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili upang hindi ka matulad sa iba na tangay-tangay lamang ng kanilang kapwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-22-29-33-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mali na kikilos ka na para kang kaawa-awa. Hindi ito magugustuhan ng langit dahil ang papel mo sa mundo ay ang maawa sa iba, hindi ang kaawaan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-16-20-28-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tagahatol dahil ang bawat hatol mo ay matuwid at nararapat. Kung may magsabi na ikaw rin ay may mga pagkukulang at pagkakamali, huwag mo silang pansinin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-17-21-26-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasakit ang ulo mo kapag naging padalus-dalos ka sa pagpapasya. Ang payo ng iyong kapalaran ay pag-aralan munang mabuti kung ano ang pinakamainam mong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-19-23-31-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi dapat maging hadlang sa mga pagkilos mo ang iyong personal na suliranin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-13-25-36-39-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami pang magagandang bagay ang naghihintay sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Huwag kang hihinto at huwag na huwag ka ring aatras. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-16-20-24-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maging matatag at matibay ka. Sa mga araw na ito, marami ang magtatangkang dayain ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-11-15-22-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumagay ka sa gitna. Hindi ka dapat maipit sa pagitan ng dalawang taong malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-26-30-33-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagbutihin mo pa ang iyong ginagawa at gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-20-25-27-34


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page