Horoscope | Setyembre 9, 2025 (Martes)
- BULGAR
- 4 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 9, 2025

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 9, 2025 (Martes): Sadyang malaking panalo ang nakalaan sa iyo. Pero kung aatrasan mo ang mga ito, mapapabilang ka sa mga bigo at talunan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo. Kaya ‘wag mo na itong lagyan ng ibang dekorasyon, sabihin mo na agad ng direkta at simple kung ano talaga ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalakas ang puwersa ng kapalaran. Ngayon mo mahihigop ang magagandang bagay sa landas na iyong tinatahak. Kaya ‘wag kalimutan na laging magpasalamat sa Itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-25-27-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang lakas at galing mo sa mga taong wala namang ginagawa kundi ang sumalungat sa mga ideya mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-19-29-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang kinaiinisan mo, sa kanya mapupunta ang ilang suwerte mo, mas maganda na panatilihin mo na lang na lihim kang naiinis sa mga nakikita at naririnig mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-16-22-34-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magalit, lalo na’t sobrang lakas mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-8-12-20-33-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ka na inuutusan ng sarili mo na gawin ang mga hindi mo nagawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-13-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masasalamin mo sa kaaway mo ang sarili mo. Siya ang gagawa ng mga bagay na ayaw mong makita, dahil sa katunayan, iyon naman talaga ang itinatago mong pangarap na gusto mo sanang gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-24-32-35-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magagawa mo kung ano ang gusto mong gawin ngayon. Dahil binigyan ka ng kalayaan ng langit. Gayunpaman, huwag mong sayangin ang pagkakataon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-29-31-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hinay-hinay lang, mahaba pa ang mga araw na pabor sa iyo. Sa katunayan, puwede ka namang mamahinga at mamasyal. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-27-37-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gamitin mo ang tapang upang sugurin ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-17-22-26-32-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mananamlay ang mga lihim mong kaaway, dahil makikita nila na sobrang kang nagsasaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-15-25-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong. Ito ngayon ang pormula mo para maiwanan ang iyong mga karibal at mga kakompitensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-16-24-31-38.
Comments