top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Horoscope | Oktubre 20, 2026 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
38 minutes ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2026 (Martes): Hindi ka dapat magsawa sa pagtulong sa iyong kapwa, dahil ito ang dahilan kung bakit lagi kang pinagpapala ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Kaya magtanim ka para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-17-24-27-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang pakikipagkasundo kahit alam mong maaagrabyado ka. Ang maganda rito, mapapanatag na ang buhay mo at magiging payapa pa ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-25-31-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit ang pag-aalinlangan sa kasalukuyan mong proyekto. Gayunman, huwag mo itong bigyan ng puwang upang magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-22-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Maiiwanan mo ang iyong mga karibal at kakumpitensiya dahil magsasanib ang likas mong pagiging masuwerte at ang matindi mong kagustuhang umunlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-32-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Simulan mo na ang pamimigay ng mga regalo, dahil ito ang sikreto upang maaga ka ring regaluhan ng langit. Sa huli, aapaw nang husto ang iyong imbakan ng mga regalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-30-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pang-unawa ang kailangan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-17-24-26-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin na pilitin ka pa nila bago mo ibigay ang kanilang kagustuhan. Sa katunayan, wala kang magagawa, dahil mahina ngayon ang iyong personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-26-31-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang mga barahang alas. Kaya walang panalo ang iyong mga kalaban. Ang pinakamaganda nilang gawin ay sumuko at umayon sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-21-23-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakakamit sa isang banat lamang ang malaking ambisyon. Kailangan mong isabuhay ang walang tigil na paghakbang hanggang sa marating mo ang dulo ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pag-isipan mong mabuti ang mga planong magpapaganda sa iyong buhay. Huwag kang tumulad sa iba na umaasa lamang sa tsamba at nagsasabing ang buhay ay nakasalalay sa suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-24-33-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag nadehado ka sa ngayon. Sa huli, ikaw ang tunay na makikinabang sa masalimuot na sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-19-26-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng wala kang gawin lalo na kung nais mong umunlad. Kahit isang hakbang lamang o kaunting pagkilos ang gawin mo, langit na ang pupuno sa iyong mga pagkukulang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-12-22-27-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page