Horoscope | Oktubre 19, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 19, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 19, 2026 (Lunes): Higit na mas marami ang suwerte mo kaysa sa mga pangkaraniwan. Kaya naman, huwag mong kakalimutang magpasalamat sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag nilagyan mo ng saya ang pagkilos mo, magugulat ka, malalaking buwenas ang guguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-29-32-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Mas papalarin ka simula sa araw na ito. Gayunman, kailangan mo pa ring maging masinop sa mga biyayang napapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-25-31-38-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag dumikit ka sa masayahin, susuwertehin ka. Pero, kapag dumikit ka sa malulungkot na tao, mararamdaman mong unti-unti kang mamalasin. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-13-20-26-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang ulan kapag makapal na ang ulap. Kaya iwasan mong mapuno ng negatibong pananaw ang iyong isipan. Ang mas maganda ay kumilos ka nang may sigla at sigasig. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-19-27-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itaas mo pa ang pangarap mo, at lakihan mo pa ang ambisyon mo. Ito ang tunay na susi ng tagumpay. Kapag sinunod mo ito, kahit ano’ng mangyari, malaki pa rin ang makukuha mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-18-22-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang pumayag na ikaw ay maalipin ng kahit na sino, dahil hindi ka isinilang para maging sunud-sunuran lamang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-23-28-30-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Palayain mo ang sarili mo sa pagkakaalipin sa kabiguan. Mas magandang harapin ang mga araw sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng paniniwalang sa dilim ay nagniningning ang mga bituin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-16-26-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tandaan mo, ikaw ay tagapag-utos at hindi tagasunod. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-13-17-21-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumapit ka sa mga aral sa buhay na iyong natutunan. Ilalayo ka ng mga ito sa kasawian at higit pang pagagandahin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-14-27-35-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaabang na sa iyo ang mga hamon ng iyong kapalaran. Gayunman, ‘wag kang mangamba at maduwag dahil malalampasan mo rin ang lahat ng ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-18-20-23-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumalago ang halaman kapag nadidiligan. Gumawa ka ng paraan para mapasaya mo ang iyong sarili. Hindi puwedeng manatili ka na lamang sa iyong kasalukuyang kalagayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-21-25-29-36.



Comments