Horoscope | Setyembre 8, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 8 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 8, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 8, 2026 (Martes): Ang mga umaapi sa iyo ay makikitang lumalapit at mangangailangan ng tulong mo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang plano mo. Kahit marami ang kumontra sa iyo, huwag kang magpapayanig. Tinitiyak ng iyong kapalaran na silang kumokontra sa iyo ay sama-samang mapapahiya. Masuwerteng kulay-royal blue. Tips sa lotto-2-17-22-29-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tinatalo ka ng pag-aalala, pero panandalian lang ito. Mabilis na gagalaw ang kamay ng orasyon ng iyong kapalaran at ikaw ay makikitang binubuwenas na uli. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-18-24-27-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Pero kahit hindi ka makipagsapalaran, ang mga suwerte ay magdaratingan pa rin sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-16-26-28-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Malakas ang hatak sa iyo ng pamamasyal sa tabing-dagat. At ito rin ang paraan upang mas lalo pang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-sky blue. Tips sa lotto-5-11-13-20-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Walang magandang mapapala ang taong negatibo, pero ang mga positibo ay aani ng mga positibo ring pangyayari. Kaya saan ka pa nga ba? Eh, ‘di sa huli. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-7-16-23-25-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa na nakakamangha ang kapalaran mo ngayon, dahil sinasabing magsuot ka ng luma sa loob ng bahay, at ang mga masusuwerteng araw mo ay tiyak na magbabalikan. Masuwerteng kulay-metallic blue. Tips sa lotto-9-14-19-28-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palawit ang pampasuwerte mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-27-30-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matitigas na bagay ang panghatak mo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-6-18-21-26-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapalad ka ngayon. Gayunman, iwasan mong baguhin ang iyong layunin, dahil sa ngayon ay nasa tamang landas ka na upang lalo ka pang suwertehin at umunlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-17-22-24-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isabuhay mo ngayon ang mga aral na itinuro sa iyo ng matatanda, kahit pa sabihin ng iba na ikaw ay masyadong makaluma. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-13-20-25-29-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil sinasabing ang ihip ng hangin sa iyong katawan ay magreresulta sa mas maganda, masarap at masuwerteng buhay. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-6-14-18-23-32-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Limitahan mo ang mga suot mong pangdekorasyon sa katawan. Sa ganitong paraan, magdadagsaan sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-4-11-16-28-36-42.



Comments