top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 8, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 8, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 8, 2023 (Biyernes): Huwag kang sumuko, ituloy mo lang ang iyong ginagawa. Sa huli, lahat ng pangarap mo ay mapapasaiyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga magtatangkang sumira ng iyong araw, at ‘wag mong intindihin ang mga taong pilit kang hinahadlangan sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-20-23-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isabuhay mo ngayon ang mga natutunan mong aral mula sa iyong mga karanasan. Sa ganitong paraan, mas mabilis na uunlad ang iyong negosyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-19-23-39-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mainis kapag may mga kontra-bida sa iyong plano. Makakatulong sila para mas mapaganda ang bawat detalye nito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-27-33-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakasawa ang lahat ng bagay kapag walang pagbabago. Kahit ang maganda ay nakakasawa rin ‘pag walang naiiba sa taglay niyang kagandahan. Pagbabago ang kailangan mo at sa sandaling may nabago na sa iyo, ru’n palang magsisimulang dumating ang bulto ng suwerte sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-19-22-32-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nawawala ang mga bituin sa langit, natatakpan lang sila ng mga ulap, at hindi rin nawawala ang mga suwerte, natatakpan lang sila ng mga negatibong katangian mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-29-31-38-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sakyan mo ang agos ng iyong buhay. Huwag mo silang salunggatin at lihim kang mag-isip ng paraan kung paano makakatakas sa pangit na kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-24-30-38-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong habulin ang mga taong umaalis, dahil kalaunan ay babalik din naman sila. Magsaya at maglibang ka. Mas maganda rin na maghanap ka ng bagong pagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-15-19-21-25-34-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdahan-dahan ka, kapag marahan lang ang iyong kilos, nakikita mo ang mga ‘di dapat makita. Sa paghihinay-hinay, ang isip ay gumagana. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-15-29-33-38-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang tumulad sa mga taong tamad na kapag may kinakain ay ayaw na maghanap-buhay. Hayaan mo sila, palibhasa hindi nila nauunawaan ang kahalagahan ng paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-25-28-35-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Depende sa mga gagawin mo, ang mangyayari sa iyo. Hindi ka puwedeng magkamali. Muli, hawak mo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-11-17-21-29.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang gustihin mo, siya ang paghugutan mo para sa magandang buhay na gusto mo. Gandahan mo ang iyong pananalita, dahil ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-20-24-31-34-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumutubo at lumalago ang mga halaman, ganundin din ang negosyo. Ang kailangan mo lang gawin ay alagaan at pahalagahan sila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-20-21-25-28.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page