top of page
BINI Gwen.jpg

Horoscope | Oktubre 27, 2026 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 27, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 27, 2026 (Martes): Kakaiba ang iyong tapang, kaya walang dahilan upang hindi ka magtagumpay. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Kaya hilingin mo sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-23-25-38-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit napipilitan ka lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-21-27-30-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka nila mapipigilan ngayon. Gayunman, pinapayuhan kang panatilihin ang bilis ng iyong pag-iisip. Noon pa man hanggang ngayon, ito ang susi mo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-29-32-34-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong palampasin ang masuwerteng araw na ito, kung kailan mas marami kang makukuhang pakinabang sa pamamagitan ng walang-takot na pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-27-31-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi naman mahirap unawain na ang negosyo ay negosyo. Kaya huwag mong pagsabayin ang bisyo at negosyo. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-25-35-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaasenso ang mga taong bukas ang isipan, habang wala nang pag-unlad sa buhay ang mga ayaw nang magdagdag ng kaalaman. Ito ang dapat mong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-27-36-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suriin mong mabuti ang pagkatao ng taong nagpapakita sa iyo ng kakaibang pagtingin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-14-16-28-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahaharap ka sa sitwasyong hindi ka maaaring umatras. Huwag mag-alala dahil papanig sa iyo ang langit at tutulungan ka Niyang malutas ang anumang pagsubok na darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-9-19-24-26-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap unawain ang ilang taong nasa paligid mo. Hayaan mo na lang sila dahil masasayang lamang ang oras mo sa pagsisikap na intindihin sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-21-32-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli kang matatalo ng sarili mong kahinaan. Kaya magpahinga ka muna, at panoorin mo na lang ang mga nagaganap sa iyong harapan kaysa na makialam. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-22-25-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagbabago ang matagal nang itinakda ng iyong kapalaran: ikaw ay masuwerte. Ang tila kawalan ng pag-usad sa buhay na nararanasan mo ngayon ay nagpapahiwatig lamang na bumubuwelo pa ang iyong suwerte. Pagkatapos nitong bumuwelo, bubuhos ito nang napakalakas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-20-27-30-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na ang mga araw na kapag nagpakita ka ng tapang, kusang lalapit sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-19-26-31-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page