Horoscope | Setyembre 7, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Sep 7, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 7, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 7, 2023 (Huwebes): Gamitin mo ang iyong imahinasyon para matulungan ang mga taong nangangailangan upang mabilis mo ring makamit ang iyong pinapangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo ngayon ang iyong tunay na lakas at galing. Huwag kang umasa sa iba, sa panahong mapakita mo ang iyong talento, magsisimula ka nang suwertehin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-12-18-21-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagpatuloy mo ang pagsisinop, ang maaari pang gamitin sa ibang araw ay iyong ingatan. Ipagpatuloy mo ang buhay na simple lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-18-24-30-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-aksaya. Hindi ngayon ang panahon para maglustay ng pera. Kahit na mahirapan ka, pagtitipid pa rin ang isagawa mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-19-23-31-40.
CANCER (June 21-July 22) - Madadagdagan ang mga araw ng pananatili mo sa bahay, hindi ka rin naman aangal dahil alam mo ang kahalagahan ng buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-17-19-20-29.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipagpatuloy mo lang ang pagtitiis, dahil tiyak na kakayanin at aani ka rin ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-22-28-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na magtutuluy-tuloy ang iyong suwerte habang nakakasama mo ang isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-23-27-34-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Para mabilis kang suwertehin ngayong panahon ng tag-ulan, magpaganda ka! Maligo ka araw-araw at mag-ayos. Sa ganitong paraan, tuluy-tuloy na kakapit sa iyo ang buwenas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-12-18-21-25-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang nabuo mong plano para sa muling pagharap sa mundo. Kung may makita kang mas maganda, baguhin mo agad ang iyong pasya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-13-16-29-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung kaya mo tumulong sa mga nagsasakripisyo, gawin mo! Kung ‘di naman ito sapat, hikayatin mo silang tulungan ang kanilang sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-21-27-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gumamit ka ng pampasuwerteng talisman na yari sa lupa o bato. Sa ganitong paraan, mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang tuluy-tuloy na darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-20-26-34-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alam kong inip na inip ka na ngayon, iwasan mong matalo ka nang pagkabagot dahil may tsansang mas lumala ang iyong iniindang karamdaman. Mamasyal at magsaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-8-17-19-22-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo ang iyong tutulungan, katulad ng mga taong nakatulong sa iyo noong panahon ng kagipitan. Ang mga taong ‘di mo malapitan noong ika’y nangangailangan, layuan at iwasan mo sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-16-20-29-34.




Comments