top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | Setyembre 6, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 6, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 6, 2026 (Linggo): Pinagaganda ng iyong kapalaran ang buhay mo kahit pa madalas ay kumikilos ka nang wala sa lugar. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalita ang iyong kapalaran na ang buhay mo ay magkakaroon ng pagbabago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit sa inaasahan mo ang mapapasaiyo. Lubusang magagalak ang puso mo at mag-uumapaw sa kasiyahan ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-27-33-35-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Magkakasabay-sabay ang dating ng mga suwerte mo. Nagbababala rin ito na maaari kang magkaroon ng labis na tiwala sa sarili na hindi makabubuti sa kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-25-34-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang laman ng isip mo, iyon ang magkakatotoo! Kaya huwag na huwag kang mag-iisip ng masama tungkol sa kahit na sino, dahil muli, kung ano ang laman ng isip mo ‘yun ang magkakatotoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-29-33-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magpasalamat ka sa langit sa pamamagitan ng pagbibigay-saya sa mga nasa ibaba na nakalimutan na ng lipunan at hindi pinapansin ng karamihan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-28-31-35-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo ang kailangang matapos. Ito ang susi upang magdatingan sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-16-22-32-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang-saya mo ang iyong sarili dahil kahit noon pa man at hanggang sa ngayon, kapag masaya ka, sinusuwerte ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-18-23-33-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakatok sa iyo ang mga bagong kabanata ng iyong buhay. Pagbuksan mo ang mga ito tulad ng pagtanggap mo sa mga bagong kaibigan at kakilala upang ikaw ay mapuno ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-17-24-31-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamasyal ka dahil ang panahon sa ngayon ay panahon ng pamamasyal. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-27-29-35-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang nakikita mo, iyon na iyon. Huwag mong dayain ang sarili mo na naghahanap ka pa ng ibang katotohanan na walang sapat na batayan para lamang hindi ka masaktan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-22-28-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakabilis ng dating ng mga suwerte mo sa larangan ng kabuhayan. Kung maaabutan ka na ang inaasikaso mo’y ibang bagay, ang panghihinayang ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-15-19-26-34-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang mga suwerteng gusto mong mapasaiyo. Ang kumikilos nang positibo ay positibo rin ang makukuhang resulta at kapakinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-16-25-32-37-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page