Horoscope | Setyembre 6, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Sep 6, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 6, 2023 (Miyerkules): Ito ang araw na gagabayan ka ng langit, kaya anuman ang iyong gawin, tiyak na magtatagumpay ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong isip upang lumayo sa mga tukso. Sapat na ang iyong talino at likas na talento para matukoy ang tukso na maaaring sumira sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-18-21-24-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmasdan mo ang mga kilos ng tao, pakinggan mo ang mga kuwento ng mga tao, at kumuha ka mula sa mga ito ng mga pormula ng tagumpay na magagamit mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-19-24-29-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ang mga mata mo sa mga naggagandahan. Mawawala ka sa iyong pinapangarap. Pansamantala lang naman ito dahil muli ka rin makakabalik sa tamang landas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-17-21-25-32.
CANCER (June 21-July 22) - Magbabalik ang malakas mong karisma. Inaasahan na rin na babalik ang ilang mga taong naging bahagi ng iyong buhay. Ang payo sa iyo ng kapalaran ngayon, gamitin mo ang iyong isip, at ‘di ang bugso ng damdamin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-20-32-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Buksan mo ang nakasarang puso ng bago mong kakilala, tatanggapin ka niya pero ang iba’y ‘di niya papasukin sa kanyang puso na matagal ng nakasara. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-21-29-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang pag-aanalisa sa mga bagay na iyong nakikita. Mas magandang na paganahin mo ang iyong damdamin at hindi ang isip. Ang kaligayahan ay mula mismo sa iyong damdamin. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-28-31-33-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito. Ngayon mo hilingin ang iyong pinakamalaking kahilingan. Nakabukas ang tainga ng langit at naghihintay sa iyong mga sasabihin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-26-28-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ilantad mo ang iyong natatanging abilidad. Natatalo ang may hawak na alas, ‘pag ang mga ito ay hindi nagawang ilabas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-22-27-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung kanino magaan ang loob mo siya ang dapat na lagi mong samahan. Ito rin ay nagsasabing puwede mong layuan ang mga taong hindi mo gusto ang kanilang pag-uugali. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-16-20-21-25-26.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Palagpasin mo ang araw na ito na kung saan ay madali kang matatangay ng magagandang salita na puro pandaraya lamang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-18-28-30-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon ang araw na ang inaasahan mong magaganap ay hindi mangyayari. Pero, ang nakakatuwa, higit sa inaasahan mong suwerte at magandang kapalaran ang kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit na walang kahirap-hirap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-20-27-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit hindi ka magsalita, basa na ng isang tao ang nasa puso mo. Ikaw rin naman ay basa mo ang laman ng kanyang damdamin. Wala namang masama kung mahulog ang loob n’yo sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-17-24-30-33.



Comments