top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG

Horoscope | Setyembre 5, 2026 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre, 5, 2026 (Sabado): Isinilang ka para magbigay ng saya at ligaya. Sa katunayan, ikaw mismo ang saya at ligaya ng ibang tao. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ihip ng hangin ang kailangan mo ngayon upang magpatuloy ang iyong sigla. Puwede ka ring mamasyal upang manariwa ang iyong sigla at lakas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-29-33-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikilos mo ang katawan mo upang kumilos din ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-21-28-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Negosyo at pagpaparami ng pera ang dapat mong pagtuunan. Sa ganitong paraan, unti-unti na rin ang iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-19-22-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Samantalahin mo ang mga araw sa ngayon kung saan madali at mabilis mong malulutas ang iyong suliranin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-23-31-38-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang malito. Ang tunay na kailangan mo ay ang mga bagay na magpapatatag sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-11-16-25-32-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itutok mo ang lahat ng lakas mo sa negosyo. Ngayon ang mga araw na puwedeng lumago nang husto ang iyong kabuhayan. Hindi dapat masayang ang mga pagkakataong minsan lang dumating kagaya nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-21-30-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mawawala ang pakiramdam mong tatalunin ka ng lungkot dahil ang mga suwerteng ihuhulog ng langit ay mas marami na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-22-27-32-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na habang nakikipaglaban ka, tuluy-tuloy naman ang pagdaloy ng iyong sigla. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-24-33-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy kang papaboran ng langit. Ibig sabihin, hindi na makakaporma ang iyong mga kakompetensiya at hindi rin makakalapit sa iyo ang sinumang sisira sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-21-26-29-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aalisin ng langit ang lungkot sa pamamagitan ng pagreregalo ng mga panalo. Pahalagahan mo ang mga biyayang ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-25-31-35-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, roon ka! Sa katunayan, kahit hindi mo naman maalala ang mga salitang ito, ito rin naman ang isasabuhay mo sapagkat bagay na bagay ito sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-19-25-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang balikan ang nakaraan. Ang kinabukasan ay ang nasa harapan mo ngayon, at wala ito sa likuran! Muli, huwag nang balikan pa ang nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-20-27-32-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page