top of page

Horoscope | Oktubre 1, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 1, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 1, 2025 (Miyerkules): Makakaani ka ngayon ng parangal, papuri at paghanga. Magkagayunpaman, iwasan mong masilaw sa sarili mong ningning.


ARIES (Mar. 21–Apr. 19) – Mamili ka lang ng ilan sa magagandang oportunidad na ilalagay sa iyong harapan. Hindi mo puwedeng sunggaban lahat, dahil masasayang lang ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-27-31-34-42.


TAURUS (Apr. 20–May 20) – Paparating na ang mga suwerteng hindi mo inaasahan. Karagdagan ito sa kasalukuyang mga suwerteng tinatamasa mo. Kaya magpasalamat ka sa Itaas. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-18-21-25-34.


GEMINI (May 21–June 20) – Kikislap pa ng todo ang magagandang kapalaran na sumasaiyo. Ibahagi mo ang kislap ng buhay mo sa mga nawawalan na ng pag-asa. Ito ang isang banal na misyon mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-23-27-30-42.


CANCER (June 21–July 22) – Ipadama mo ang tunay na damdamin mo. Hindi maganda kung may itinatago ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-29-32-37-40.


LEO (July 23–Aug. 22) – Mag-utos ka para masunod ka, ‘yan ang sikreto ng iyong kapalaran. Pero, kapag ikaw ang inutusan, ‘wag kang sumunod dahil hindi ‘yan ang papel mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-18-21-33-44.


VIRGO (Aug. 23–Sept. 22) – Nagbabago ang lahat sa mundo, kaya may katuwiran ka kung bakit ka nagbago. Ang pagbabago dapat ay papaganda at papabuti. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-17-29-36-43.


LIBRA (Sept. 23–Oct. 22) – Ibahagi mo sa iba ang mga pagpapalang kaloob sa iyo ng langit. Kung mapapansin mo, tuwing nagbabahagi ka, mas lalo kang pinagpapala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-19-27-35-41.


SCORPIO (Oct. 23–Nov. 21) – Gumamit ka ng ibang tao para mapaboran ka. Humanap ka ng paraan upang makuha mo ang gusto mo. Ito ang tunay na patakaran sa mundong ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-13-22-25-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22–Dec. 21) – Kung may balakid sa mga plano mo, ‘wag ka munang tumuloy. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-12-28-30-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22–Jan. 19) – Huwag mong intindihin ang mga taong sarado ang isip. Hindi mo obligasyon na unawain silang lahat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-23-29-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20–Feb. 18) – Kulayan mo ang sarili mong mundo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-26-33-35-43.


PISCES (Feb. 19–Mar. 20) – Tandaan mo, napag-iiwanan ang mga taong ayaw humabol. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-25-31-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page