Horoscope | Setyembre 30, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 30, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 30, 2023 (Sabado): Aangat lalo ang kabuhayan mo, basta’t panatilihin mo lang nakasayad ang mga paa mo sa lupa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-isip ka ng magandang ideya na mapapakinabangan ng iba. Ngayon ang panahon na makakaisip ka ng kakaiba at nakakagulat na pormula. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-18-21-24-33-42
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng buhay. Huwag kang umangal kapag mabagal ang daloy ng mga kaganapan. Dahil tiyak na bibilis din ito at ikaw pa rin ang makikinabang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-15-19-27-36-45
GEMINI (May 21-June 20) - Tatalunin ka ng pagkainip. Hindi dapat ito mangyari sa iyo. Kaya gumawa ka nang paraan para mabago ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-42
CANCER (June 21-July 22) - Magtiwala ka sa sarili mo. Mabibigat na kaganapan ang iyong malulusutan. Sa ngayon, tiyakin mo lang na malalagpasan mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-29-34-37-41
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob, dahil marami silang umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-21-25-31-44
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpapatuloy ang kawalang-katiyakan sa mga susunod na araw. Kailangan mo makahanap ng paraan sa lalong madaling panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-19-24-33-44
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami sa mga kaibigan at kakilala mo ang handang umalalay sa iyo. Hindi ka nila bibiguin. Sa katunayan, hinihintay lang nila na ikaw ay lumapit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-17-25-29-30-41
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon ang panahon ng pagiging masinop at pamamaraan. Gawin mo itong gabay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-3-18-21-24-34
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iwasan mong magalit kapag mabagal umintindi ang mga kausap mo. Sa araw na ito at sa darating pang mga araw, tuliro ang lahat at hindi gaanong makakapag-isip. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-12-28-32-34-41
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabubuo sa isip mo ang isang magandang plano kung mananahimik ka sa inyong tahanan. Kapag natapos ang magulong sitwasyon, mataas ang tsansang ika’y yumaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-15-24-36-42
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mayroon kang naiisip na gawin. Ngunit, nag-aalinlangan at nagdadalawang isip ka. Ngayon ang tamang panahon upang gawin mo ito, dahil tiyak na mapagtatagumpayan mo ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-8-19-29-31-42
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipahiram mo sa iba ang magandang ideya mo. Huwag kang mag-alala dahil ikaw ang taong hindi nauubusan ng mga bago at kakaibang ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-18-22-34-40




Comments