top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Horoscope | Setyembre 3, 2023 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 3, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 3, 2023 (Linggo): Nakakalula ang iyong kapalaran, dahil mas mataas ito kaysa sa iyong pinangarap. Ito ang regalo sa’yo ng langit. Magpasalamat ka sa Maykapal upang lalo ka pang suwertehin.



ARIES (Mar.21-Apr. 19) - Huwag mong kakalimutan na mas mahalaga ang magandang buhay kaysa sa iba. Aanhin mo ang ligaya kung sa huli ay wala ka namang naipundar. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-10-20-23-30-35-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag masaya ang pamilya, mas gumaganda ang takbo ng buhay. Ito ang isaisip mo nang sa gayun ay mapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng

kulay-green. Tips sa lotto- 11-18-25-27-30-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Seryosohin mo ang iyong pangarap. Hindi

maganda na pabagu-bago ka ng desisyon. Ang pagiging seryoso ay ang tuluy-tuloy na pagkilos at hindi natitinag hanggat ‘di naaabot ang kanyang pinapangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-14-20-21-25.


CANCER (June 21-July 22) - Sinupin mo ang mga biyayang napapasaiyo. Gamitin mo lang ito sa mga aktibidad na maaaring lumago. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-26-30-34-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Makakaranas ka ng ‘di magagandang pangyayari mula sa mga taong iyong pinagmamalasakitan. At wala kang maasahan sa kanila, ito ang dahilan kung bakit mas mahal ka ng langit kaysa sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa

lotto-3-19-25-29-34-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makikita ng iyong mga mata na totoo ang karma. Ang mga taong gumawa sa iyo ng mali, ay makakatanggap ng kamalasan sa buhay habang ikaw naman ay aani ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-15-18-24-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aayusin ng iyong kapalaran ang buhay mo ngayon. Hindi mo man maunawaan kung paano at kung bakit? Mas makakabuti pang tanggapin mo na lang ito, upang mas lalong gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-12-26-30-33-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balewalain mo

ang mga negatibong pananaw na lumalabas-masok sa iyong isipan. Ituring mo silang mga multo na nanakot lang pero wala namang laman at buto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-24-29-30-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumitibay ang pundasyon ng bahay kapag ang bato ay nakatayo. Isabuhay mo ang pagkakaroon ng hindi natitinag na paninindigan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-16-18-20-28-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahalagahan mo ang iyong kinabukasan, dahil ito ang susi upang mas lalo kang lumigaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-16-21-25-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Ito ang isabuhay mo ngayon taon. Walang karapatan ang sinuman na bigyan ka ng kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-24-29-30-31-38.


PISCES (Feb.19-Mar. 20) - Huwag mong tanggihan ang mga taong gustong tumulong sa iyo. Ang tanggihan mo ay ‘yung mga taong may binabalak na ‘di maganda laban sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-19-21-28-30-35-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page