Horoscope | Setyembre 29, 2025 (Lunes)
- BULGAR
- 23 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 29, 2025

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2025 (Lunes): Hindi ka bibiguin ng langit sa iyong mga pangarap. Ito ang premyo mo dahil sa kabaitan at kabutihang ipinapakita mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinahon ang kailangan sa harap ng masalimuot na sitwasyon. Kontrolin mo ang init ng iyong ulo, nang sa gayun ay makuha mo ang tamang paraan sa pagresolba ng mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-19-23-36-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw mismo ang nagpapasikip sa landas na iyong tinatahak, dahil sa mga negatibo mong pananaw. Kaya mas maganda kung mananatili kang positibo lalo na sa araw na ito na nalalapit na ang Kapaskuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-28-36-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mabuting pagsabay-sabayin ang mabibigat na proyekto. Ang payo ng iyong kapalaran, unahin mo muna ang mga bagay na kaya mong tapusin at isunod mo na lamang ang mga mahihirap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-22-26-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Gumagaan ang pasanin kapag may mga inspirasyon. Kaya mas magandang kumuha ng inspirasyon sa mga mahal mo sa buhay na magbibigay sa iyo ng lakas at sigla. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-15-29-31-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Wala ka bang mahingian ng tulong dahil ang mga natulungan mo na dati ay hindi mo na makita? Huwag kang mag-alala, dahil langit ang aagapay sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-14-28-32-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang talino mo para makaiwas ka sa sobrang malapit sa iyo. Binabalaan ka ng iyong kapalaran na kapag hindi ka nakaiwas, malaking problema ang dadagan sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-16-27-30-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang buhay mo. Alamin mo kung alin ang talagang mahalaga para sa iyo. Muli, timbangin mo ang buhay mo para wala kang pagsisihan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-14-20-22-24-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Yakapin mo ang makalumang tradisyon dahil ang mga bagong nakaugalian ay hindi pa angkop sa iyong kalagayan. Huwag mong kalimutan na mas mabuti ang tapat sa sarili, kesa lokohin mo pa ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-19-25-31-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap sundin ang mga bawal dahil nililimitahan nito ang ating kalayaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-18-26-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang mga taong may karanasan na at kunin mo rin ang mga aral sa buhay na natutunan nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-21-27-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsaya ka habang ang panahon sa ngayon ay para sa pagsasaya. Dahil kahit gusto mong magsaya, hindi ka na gaanong sasaya kapag hindi na panahon ng pagsasaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-12-20-24-35-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipinalalaya ng katotohanan ang taong naligaw ng landas. Mamuhay ka sa katotohanan upang makabalik ka sa tamang daan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-10-23-31-37-40.