Horoscope | Setyembre 28, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Sep 28, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 28, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 28, 2023 (Huwebes): Masuwerte ka dahil kahit hindi ka magsikap ang magandang kapalaran ay mapapasaiyo pa rin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi maganda ang sobrang seryoso sa trabaho. Ang payo sa iyo ay haluan mo rin ito ng kasiyahan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-9-20-31-39-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbigay ka upang makatanggap ka. Ito ang patakaran ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-20-22-24-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Susuwertehin ka ngayon, nangyari na ito sa iyo noon. Kaya habang nagsasaya ka, ‘wag mo pa ring kakalimutan na magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-24-27-29-33-39.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo ang inaakala mo na hindi mo kayang gawin ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-18-20-28-30-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda para sa iyo ang pag-iisa. Mas magandang makipagkuwentuhan ka. Sa pananahimik, ang tao ay mas napapalapit sa sakit. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-17-21-25-27-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagbigyan mo silang nagkakamali sa iyo, dahil ikaw din naman ay nagkakamali. Unawain mo na lang sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-20-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang humanga sa magandang katangian mo, sila ang pupuwede mong alipinin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-18-21-23-33-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo na tahimik ang pagsisikap. Ito ang sikreto ng mabilis na pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-22-24-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag kinontra ka nila, lalo mo pang pagbutihan. Ito ang iyong sandata upang umangat ang iyong career at kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-20-25-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dadapo sa iyo ang isang munting suwerte na kung aalagaan at pararamihin mo, ito ang magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-26-29-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Isa-isa lang ang gawin mo, hindi puwedeng pagsabay-sabayin mo ito, dahil maaaring mawala ka sa pokus, at kapag nangyari ‘yun, mawawala rin ang lahat ng iyong pinaghirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-24-29-31-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasasayahin ka ng bagong kakilala mo, bawat salita niya sa iyo ay may kabuluhan at may makukuha kang magandang pananaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-25-30-36-45-46.




Comments