top of page

Horoscope | Setyembre 27, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 27, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2025 (Sabado): Kahit pa makuha mo ang gusto mo, hindi pa rin matatapos ang lahat para sa iyo, dahil marami ka pang mapagtatagumpayan. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong  pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapapadali ngayon ang mga gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-19-27-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng tulong kung kinakailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-6-18-24-28-35-43.


GEMINI (May 21-Jun 20) - Dagdag na lakas ang kailangan para sa mas mabigat na suliranin. Kaya dagdagan mo pa ang pagsusumikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-20-23-37-45.


CANCER (Jun 21-July 22) - Kailangang unawain ang mga taong hindi makaunawa, habang pag-ibig naman ang pantapat sa galit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-22-29-35-44.


LEO (July 23- Aug. 22) - Alam mo na nga ang sagot, pero nagtatanong pa? Mararanasan mo ito ngayon, dahil ilan sa mga nasa tabi mo ay mapagkunwari. Kaya mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-10-26-30-34-3


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahirap hanapin ang ginto, dahil ito ay kumikinang. Gawin mo itong batayan upang malaman mo ang kanilang kakaibang ganda. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-25-29-31-41. 


LIBRA (Sept. 23- Oct. 22) - Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ang pagbuhos ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-15-23-39-45.


SCORPIO (Oct. 23- Nov. 21) - Ginawa mo na ang lahat pero parang wala pa ring talab? Hayaan mo na at maghintay ka na lang ng mga araw, dahil sa huli mauunawaan mo rin na mas nakahihigit ka sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-19-27-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22- Dec. 21) - Dito sa mundo, ang lahat ay natatapos, pero may mga pagkakataong ang tapos na ay muling nagsisimula. Ihanda mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-14-18-28-35-38. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kunin mo ang gusto at kailangan mo. Sa katunayan, hindi naman sobra ang gusto mo, kundi sapat lang para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-25-27-30-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na susuwertehin ka. Magugulat ka, dahil ang suwerte ay sobra-sobra at tila hindi matapus-tapos sa sobrang dami. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-26-32-34-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumilang ka ng sampu, kapag napansin mong uminit ang ulo mo, muli kang bumilang at bilangin mo naman ang magagandang nagawa sa iyo ng taong kinagagalitan mo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-14-20-29-37-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page