top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 27, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 27, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2023 (Miyerkules): Matapang ka, gamitin mo ito upang tumulong sa mga nangangailangan. Ngayon ang tamang pagkakataon para makatulong.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka kahit hindi ka pumunta sa malayong lugar. Dahil ang mga suwerte mismo ang maghahanap sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-15-27-33-40-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) – Bigyan mo nang payo ang mga malalapit sa iyo na matitigas ang ulo. Pakikinggan ka nila dahil alam nilang noon pa man ay pinagmamalasakitan mo na sila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-36-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Puwede namang magsaya kahit nasa bahay lang. Iba na ang mundo ngayon, moderno na. Kaya wala na itong hangganan at limitasyon lalo na kung kasiyahan ang pag-uusapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-22-31-39-43.


CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang kalinisan, at itakwil mo ang kawalang-ingat sa mga personal na aktibidad. Ligtas ang malinis, samantalang lantad sa panganib ang mga taong hindi nag-iingat. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-19-28-31-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na sunud-sunod na suwerte ang iyong matatanggap mula sa langit. May kondisyon nga lamang, dahil kailangan mong pakawalan ang iyong sarili sa iyong comfort zone. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-22-28-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo lang ang iyong mga binabalak at hindi ka dapat magdalawang isip. Nakatingin sa iyo ang langit, kapag nagtuluy-tuloy at ‘di ka tumigil, tiyak na ang iyong pinaplano ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-11-17-23-29-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Para sumigla ka kahit nasa bahay ka lang, magsuot ka ng maganda. Umasta ka na parang may darating kang isang taong mahalaga sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-21-27-32-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na ang lahat ng naiinggit sa iyo ay magsisisi at mapapahiya. Dahil masasaksihan nila na tuluy-tuloy kang umuunlad at umaasenso, habang sila naman ay bigo pa rin sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-25-36-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang magandang pagkakataon upang turuan ang mga kasama sa bahay ng mga gawaing bahay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-9-21-33-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung naglilinis ka, linisin mo rin ang mga sulok at ang mga lugar na bihirang mong makita. At sa mga bagay na ‘di mo ginagalaw, may sorpresa kang makikita. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-9-25-34-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka pa rin ng musika kahit na nasa bahay ka lang. Kapag pinagpatuloy mo ito, magugulat ka dahil bigla ka na lamang susuwertehin. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-10-22-31-39-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Matuto kang magtanong. Sa ganitong paraan, mas tumatalino ang iba. Huwag kang mahihiyang magtanong nang magtanong. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-7-22-35-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page