Horoscope | Setyembre 26, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 26, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2026 (Sabado): Hindi ka iiwan ng iyong kapalaran kahit sa pinakamahirap mong sitwasyon o kalagayan. Kikilos at kikilos ito upang bigyan ka ng isa pang magandang pagkakataon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Malakas ang iyong karisma, na maaaring humantong sa isang napakalakas na gayuma. Mag-ingat ka, dahil kahit ang mga walang karapatan ay mangangarap pa ring angkinin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-20-28-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ngayon ang pinakamasuwerte mong panahon, kung saan ay puwedeng-puwede mong mapalago ang iyong kabuhayan at puwede ring mapasaiyo ang kaligayahan sa pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-24-27-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) – Lumayo ka sa mapanuksong kilos at pananalita. Tandaan mo, ang tukso ay nakakasira ng kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-16-22-36-40.
CANCER (June 21-July 22) – Dadalawin ka ng saya. Kaya kahit pa nalulungkot ka, liligaya ka pa rin. Ang saya ay nagbubunga ng mga kilos na kung saan ay makikinabang ang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-20-25-30-33.
LEO (July 23-Aug. 22) – Itutulak ka ng langit na lumabas ng bahay. Ito ang panahon para makipagsosyalan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-17-21-34-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Walang limitasyon ang tagumpay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-23-26-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Humiwalay ka sa nagpapahirap sa iyo. Hindi tama na mahirapan ka, dahil hindi ka naman isinilang para maghirap lamang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-22-31-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Kung saan may magandang pagkakataon na mapaunlad mo pa ang buhay mo, iyon ang piliin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-10-13-26-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Umiwas ka sa mga reklamador, dahil sila ang taong walang pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-22-29-35-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Masuwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-21-33-38-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Nakakalito ang sitwasyon dahil lahat ay parang handa kang bigyan ng masarap na buhay. Para hindi ka magkamali, ang payo ay piliin mo ang mga taong hindi ka gagawing alipin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-16-24-27-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Linisin mo ang bahay mo. Ito ang sikreto upang mas gumanda ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-10-13-23-39-44.



Comments