Horoscope | Setyembre 25, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 25, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 25, 2026 (Biyernes): Sinisigurado ng araw ng iyong pagsilang na ang malalaking pangarap ay mapapasaiyo. Magpasalamat ka sa langit, dahil bukod sa malalaking pangarap, pati na rin ang iba pang maliliit na bagay ay ibibigay rin sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mabibigo kung gagamitin mo ang talas ng isip mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-24-30-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbabalik ang mga araw na tatalunin ng pangarap ang mga negatibong pangyayaring nasa harap mo. Mauunawaan mong pansamantala lamang ang hindi pag-usad ng buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-25-31-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi kailangang aprbahan ng mga nasa paligid mo ang mga gusto mong gawin. Ituloy mo ang matagal mo nang gustong gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-17-20-29-32.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang makisali sa gulo ng iba. Mas makabubuting manahimik ka lamang. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-15-19-27-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon na ang pagkakataon mong ituloy ang mga naantalang pagkilos na makakapagpaunlad sa buhay mo. Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-14-28-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong piliting maniwala sa iyo ang mga taong walang tiwala sa iyo. Kapag nakita nilang maganda ang takbo ng mga proyekto mo, silang lahat ay makikiisa sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-19-23-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkalat ang mga mapagkunwari ngayon. May ilan na iimpluwensiyahan ka, at hindi mo agad mahahalata iyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-15-29-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nasabi mo, dapat iyon na. Kumbaga, huwag mo nang baguhin dahil kapag ginawa mong magpabagu-bago ng isip at pasya, marami ang hindi na maniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-27-30-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy ang pagbabago sa kapalaran mo. Sa huli, ang pagbabago ay para sa iyong kapakinabangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-20-28-36-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong piliting alamin ang isang lihim. Mas makabubuting hintayin mo na ang gusto mong malaman ay kusang mabunyag. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-23-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lamang na kusang tumakbo ang mga pangyayari. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil wala namang epekto sa iyo ang iba pang mga pangyayari. Sa halip, itinabi na ng nasa itaas ang suwerteng noon pa inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-22-29-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magiging bahagi ka ng pagbabago ng isang taong naalipin ng maling pananaw. Kung hindi dahil sa iyo ang pagbabago niya, hindi ito magkakaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-25-33-37-42.



Comments