Horoscope | Setyembre 24, 2026 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 24, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2026 (Huwebes): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Kaya ‘wag kang mag-alala, dahil lahat ng nararanasan mo ngayon ay tiyak na gaganda rin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ang kagandahan ang magbibigay sa iyo ng sigla't inspirasyon. Ito ang kambal na puwersang magdadala sa iyo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-19-25-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang kailangan mo upang masimulan mo na ang unang hakbang tungo sa kaunlaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-24-29-35-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabubuhay ang tao sa salita lamang. Kailangan ng tao ang pagkain, at ang pagkain ay nagmumula sa pagkilos, hindi sa pagsasalita nang pagsasalita. Kaya kumilos ka na ngayon! Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-13-18-25-27-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag hindi na kaya ng ulap ang naiipong tubig, asahan mong bubuhos ang malakas na ulan. Gayunman, huwag mong ipunin ang sama ng loob mo, bagkus ihayag mo ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-22-24-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng nasa sa iyo na. Ito ang pinakamabisang pormula nang sa gayun ay dumagsa sa buhay mo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-19-20-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hihinto ang orasan ng kapalaran, na may kaugnayan sa mabilis na pagpapayaman, kapag hindi mo naiwasan ang walang katapusang pagtatalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-21-26-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit ano ang gawin sa iyo, hindi pa rin mawawala ang mga suwerte mo. Kahit pa bumagsak ka, muli kang iaangat, at ang mga kaaway mo ay magiging tungtungan ng iyong mga paa upang lalo ka pang umangat at magtagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-28-32-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maiirita ang gustong sumiksik sa iyo. Pero ito ay isang malinaw na palatandaan na ang magagandang kapalaran ay magdaratingan na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-25-33-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng inspirasyon ang tao. Ibinabalita ng iyong kapalaran na magkakaroon ka na ng bagong inspirasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-22-24-30-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bagong kasuotan, bagong kapalaran. Subukan mo ito upang magbago ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-13-23-27-29-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maglalabasan na ang mga bagong usbong na halaman. Sa ngayon, panahon na ng paglimot sa nakaraan. Harapin ang buhay na taglay ang bagong sigla't lakas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-21-32-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nasa harap, iyon ang para sa iyo. Kumbaga, kung ano ang nakahain sa hapag, iyon ang inihahanda para sa iyo ng iyong kapalaran. Kaya sunggaban mo lang nang sunggaban ang mga biyaya sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-20-28-33-44.



Comments