top of page

Horoscope | Setyembre 26, 2025 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 26, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngaying Setyembre 26, 2025 (Biyernes): Kaya mong abutin ang pinakamataas na antas ng tagumpay. Kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon upang abutin ito!         

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka sa mga taong emosyonal. Hindi ngayon ang tamang panahon upang harapin sila, bagkus unahin mo muna ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-11-17-29-35-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo lang ang taong iyong mapagkakatiwalaan dahil hindi lahat ng malapit sa iyo ay mapaglalagakan mo ng iyong lihim. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-20-25-34-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Isaayos mo ngayon ang mga bagay na kailangang-kailangan na. Ang pagpapaliban ay nagbubunga ng mas mabigat na suliranin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-22-27-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Pag-aralan mo kung ano ang pinakamagandang pagkilos bago ka sumugod. Sa ganyang paraan, matitiyak ang pagwawagi at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-23-38-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka nang magbago, lalo na’t nasa tamang landas ka na. Anumang pagbabago ay hindi makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-21-28-30-32.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobrang layo na ng agwat mo sa mga taong gustong kang habulin dahil sa galing at husay mo. Gayunpaman, hindi nila makokopya ang bilis ng iyong isip at talas ng iyong kakaibang talino. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-16-29-39-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang magpapakita sa iyo ng interes, pero mas marami rin ang lihim na mangangarap na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Kaya naman, mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-22-26-38-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang makakatulong sa iyo, siya ang kaibiganin mo. ‘Wag mong ipagpapalagay na hindi mo kailangan ang tulong ng iba at para bang kaya mong abutin mag-isa ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-25-34-37-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka nadadalian, iyon ang piliin mo. Sundin mo ang nasabing payo upang hindi lumampas sa mga kamay mo ang naggagandahang kapalaran na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-15-27-35-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi pa tapos ang pagdating ng suwerte sa buhay mo. ‘Wag kang mag-alala dahil kung ang iba ay hindi mo makuha, babalik pa rin ito para bigyan ka pa ng isa pang pagkakataon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-28-30-34-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga taong may dalang problema, dahil wala silang karapatan na sirain ang iyong masayang buhay. Kahit pa mahirapan ka, layuan mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-24-26-31-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mabibigo basta magtiwala ka lang sa iyong sarili. Balikan mo ang mga nakaraang pangyayari, na kung saan ay napagtagumpayan mo ang mahihirap na laban ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-19-25-28-33.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page