Horoscope | Setyembre 26, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 26, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 26, 2023 (Martes): Nakatakda mong anihin ngayon ang matatamis na bunga ng iyong mga pagsisikap. Mapalad ka dahil hindi lahat ng nagsisikap ay gumaganda ang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, ngayon mo kailangang magiging matatag nang sa gayun hindi masayang ang magagandang kapalaran na mapapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-20-23-38-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Sa katunayan, mas marami pa silang nagagawang pagkakamali kaysa sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-18-24-26-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka. Pag-aralan mong mabuti ang mga hakbang na gagawin mo. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga biglaang pagkakamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-38.
CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon. Lumayo ka sa mga alam mong magbibigay sa iyo ng lungkot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-18-22-23-30.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit masama ang loob mo tutulungan mo pa rin ang mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-25-26-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang umasa sa iba. Mas maganda na sila ang umasa sa iyo, dahil kahit naman umasa ka sa kanila, wala rin naman silang maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-25-27-30-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Manindigan ka kahit pa kontra sa iyo ang buong mundo. Ikaw ang tunay na nakakakilala sa iyong sarili, wala kang dapat na ipaliwanag sa kahit na sino. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-12-29-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Kung ang ibigay sa iyo ay sakit ng ulo, agad kang lumayo. Gawin mo itong gabay ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-26-30-34-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita sa mga taong ‘di tunay. Hayaan mo silang mabuhay sa kaplastikan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-20-26-39-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ang araw mo. Ang ilang mga araw pang darating ay para pa rin sa iyo. Harapin mo ang mga pagsubok at hamon ng kapalaran, ang panalo at pagwawagi ay tiyak na mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-25-28-38-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi madadaan sa mabilisan ang pagpapayaman, dahil ang tunay na kaunlaran ay nagmumula sa pagsisinop ng mga suwerteng dumarating. Isabuhay mo ang pagiging masinop. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-18-20-27-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magparaya ka, kahit hindi mo gusto ang nagaganap. Sa pagiging mapagparaya ang tao ay nagkakaroon ng disiplina at kakayahang kontrolin ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-19-21-26-38-40.




Comments