top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 20, 2026 (Martes): Hindi ka dapat magsawa sa pagtulong sa iyong kapwa, dahil ito ang dahilan kung bakit lagi kang pinagpapala ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. Kaya magtanim ka para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-17-24-27-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang pakikipagkasundo kahit alam mong maaagrabyado ka. Ang maganda rito, mapapanatag na ang buhay mo at magiging payapa pa ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-25-31-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Sisingit ang pag-aalinlangan sa kasalukuyan mong proyekto. Gayunman, huwag mo itong bigyan ng puwang upang magtuluy-tuloy ang magandang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-22-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Maiiwanan mo ang iyong mga karibal at kakumpitensiya dahil magsasanib ang likas mong pagiging masuwerte at ang matindi mong kagustuhang umunlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-13-32-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Simulan mo na ang pamimigay ng mga regalo, dahil ito ang sikreto upang maaga ka ring regaluhan ng langit. Sa huli, aapaw nang husto ang iyong imbakan ng mga regalo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-21-30-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pang-unawa ang kailangan mo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-17-24-26-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin na pilitin ka pa nila bago mo ibigay ang kanilang kagustuhan. Sa katunayan, wala kang magagawa, dahil mahina ngayon ang iyong personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-26-31-34-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo ngayon ang mga barahang alas. Kaya walang panalo ang iyong mga kalaban. Ang pinakamaganda nilang gawin ay sumuko at umayon sa kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-21-23-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakakamit sa isang banat lamang ang malaking ambisyon. Kailangan mong isabuhay ang walang tigil na paghakbang hanggang sa marating mo ang dulo ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-25-35-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pag-isipan mong mabuti ang mga planong magpapaganda sa iyong buhay. Huwag kang tumulad sa iba na umaasa lamang sa tsamba at nagsasabing ang buhay ay nakasalalay sa suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-24-33-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala kapag nadehado ka sa ngayon. Sa huli, ikaw ang tunay na makikinabang sa masalimuot na sitwasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-19-26-32-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng wala kang gawin lalo na kung nais mong umunlad. Kahit isang hakbang lamang o kaunting pagkilos ang gawin mo, langit na ang pupuno sa iyong mga pagkukulang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-12-22-27-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 17, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2026 (Sabado): Positibong pananaw ang sikreto ng iyong kapalaran. Sa pamamagitan nito, ang mga suwerteng darating sa buhay mo ay matutulad sa isang punong hitik sa matatamis na bunga.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka sa mga nauna mong plano. Makakaasa ka, ang kaunlaran ay makakamit mo rin. Pero kung babaguhin mo ang iyong pasya, ang mga nasa iyo na ay maaari pang mawala. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-18-20-29-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinahon ang dapat mong pairalin sa mga taong nagagalit kahit mali naman ang kanilang katuwiran. Sa huli, kusa nilang matatanggap na wala sila sa lugar. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-21-23-32-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking pagsubok ang iyong kinakaharap. Magkagayunman, ipakita mo na buo ang iyong loob upang ang mga ito ay isa-isa nang maglaho. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-19-26-30-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong pairalin ang iyong damdamin sa araw na ito. Magdesisyon ka batay sa katuwiran at talino mo. Kapag nagawa mo iyan, makikita mo, marami-maraming pera ang kusang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-27-35-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulungan mo ang mga nangangailangan. Ito ang utos sa iyo ng langit. Bilang kapalit ng pagsunod mo sa utos ng nasa Itaas, ipagkakaloob Niya sa iyo ang malalaking kahilingan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-17-25-31-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutukan mo ang mga aktibidad na maaari kang kumita ng malaking halaga. Samantalahin mo ang magagandang pagkakataong ito. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-6-13-18-22-26-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumilos ka ayon sa kagustuhan mo, at huwag kang magkunwari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-19-24-29-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ang magagandang kapalaran para sa iyo, na ikagugulat ng mga hindi naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-12-20-22-32-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang matukso sa mabilisan at madaling pagpapayaman. Kadalasan, ang nagmamadali ay nadadapa at nasusugatan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-21-28-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas aangat pa ang kabuhayan mo. Gayunman, huwag kang mag-alala kung may mga pagkakataong makalampas sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-29-35-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bumibilis ka nang bumibilis, kaya naman tila nakalalagpas sa iyo ang magagandang kapalaran. Mas mabuting bagalan mo ang mga kilos mo nang sa gayun ay matamo mo ang tamang pasyang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-20-25-39-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Aanhin mo ang saya kung panandalian lamang? Piliin mo ang landas ng buhay na hindi lamang ikaw ang masisiyahan kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-23-30-32-45.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 27, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2026 (Linggo): Makukuha mo na ang mga ambisyon mo sa buhay. Ikaw ay itinalagang maging huwaran ng iyong kapwa bilang isang matagumpay sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang sa langit, ikaw ay pagbibigyan. Kaya huwag mo nang lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon at paliwanag ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-20-24-29-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo kailangang maging matibay at matatag bilang paghahanda sa malalaking suwerte na mapapasaiyo, dahil kapag mahina ka, masasayang lang ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-21-28-30-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat malihis ang iyong isip sa kung ano ang dapat mong tutukan sa ngayon. Higit kailanman, ang unahin mo ay ang tungkol sa pagpaparami ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-23-31-34-40.


CANCER (June 21-July 22) - Makadarama ka ngayon ng ‘di mo maintindihang lungkot kahit pa walang sapat na dahilan para malungkot ka. Huminahon ka, dahil ito ay damdamin lang naman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-16-21-31-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Aayunan ka ng iyong kapalaran sa mga ipinaplano mo. Kaya ituloy mo lang ang iyong mga plano at pagkilos, dahil tiyak na papaboran ka ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-28-37-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gagamitin ka ngayon ng isang malakas ang loob pero hindi alam ang gagawin sa buhay. Magpagamit ka, dahil malulungkot ka rin naman kapag siya ay nabigo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-17-27-36-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng wala kang inspirasyon sa buhay. Dahil kung saan-saan ka lang matututok, sa huli ang maiipon mo lang ay masasayang kuwento ng iyong kasaysayan at bunton ng sama ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-24-26-34-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napakalalim ng lakas ng loob mo, gustung-gusto mong ilabas pero parang nahihirapan ka. Isipin mo na higit kailanman, ngayon mo ito kailangang-kailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-25-29-32-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maglalabas-masok sa isip mo ang magagandang bagay para sa iyong kinabukasan. Lahat ng iyon ay puwedeng-puwedeng magkatotoo kung isa-isa mong gagawin ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-21-27-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Mas makabubuti kung maghihintay ka muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-14-25-33-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magmadali ka, huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Kapag nakita nilang umuunlad ang buhay mo, sila na mismo ang kusang magsisilapit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-26-28-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-16-22-32-41.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page