top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 25, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 25, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 25, 2023 (Lunes): Gamitin mo ang iyong malikhaing kaisipan upang umunlad ang iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo kung ano ang nauna mong ideya, kahit may bago at mukhang mas magandang ideya. Ang una ang magbibigay sa iyo ng kaunlaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-21-30-33-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka agad maniwala sa mga hindi mo kakilala. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-17-25-29-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali. Magdahan-dahan ka, mag-isip ka muna bago ka gumawa ng mga hakbang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-17-23-26-38.

CANCER (June 21-July 22) - Panoorin mo ang ikot ng mundo. Sa ganitong paraan, makakagawa ka ng magagandang prinsipyo na makakatulong sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-11-16-29-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag kapos, dagdagan. Kapag kulang, punan. Ganyan kasimple ang buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-10-19-22-28-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong talino at pera. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng maayos na hanapbuhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-27-29-34-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nahirapan ka, agad kang magbago ng sistema. Kapag gumanda ang takbo ng iyong buhay, huwag na ‘wag kang magbabago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-24-32-35-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagkakamali ang lahat. Kapag nagkamali sila, huwag mo silang pagsabihan ng masasakit na salita. Muli, lahat ng tao ay nagkakamali. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-17-19-23-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ipon ka ng mga aral sa buhay habang nakikipagsalamuha ka sa mga nasa ibaba. Ang mga ito ay mapapakinabangan mo kapag may dumating na pagsubok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-18-24-31-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Yayanigin ka ngayon ng mga problemang akala mo’y hindi mo kakayanin. Pero, matutuwa ka rin dahil biglang dadapo sa iyo ngayon ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-15-29-38-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pabalik-balik ang lungkot na hindi mo matukoy ang tunay na dahilan. Pero, babalik at babalik din ang saya na may dalang suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-19-22-31-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palakasin mo ang iyong sarili, ang mga mahihina ay puwedeng lumakas at ang malalakas ay sa paghina ang direksyon. Muli, palakasin mo ang iyong sarili, dahil may ilalakas ka pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-20-23-28-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page