top of page

Horoscope | Setyembre 24, 2025 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 24, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2025 (Miyerkules): Huwag kang mag-alala sa mga naninira sa iyo dahil kapalaran mo mismo ang kikilos upang mapahiya sila. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda laban sa mga tukso. Maraming tukso ang magtatangkang hilain ka sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-24-39-35-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang magandang pagkakataon upang isagawa ang mga naudlot mong plano. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-23-25-33-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ilaan mo sa mga kapaki-pakinabang na bagay ang mga suwerteng darating sa iyo. Kapag nakita ng langit ang iyong ginagawa, ang nakakatuwang balita ay dadagdagan pa Niya lalo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-20-28-30-38.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muling magbabalik ang iyong gayuma. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-13-15-29-33.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong talikuran ang obligasyon mong alalayan ang mahihina. Ang hiwaga ng buhay ay nagsasabing kaya sila kinakapos ay dahil sa iyo ibinibigay ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-13-19-25-32-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mo ang isang bagay lalo na kung alam mong masisira ka lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-23-35-38-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang pagbabalik ng mga suwerte mo dahil muli kang kikilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-18-29-35-43.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong katakutan ang mga negatibong pananaw na naglalabas-pasok sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-12-27-30-38-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magdamot sa tunay na walang-wala at huwag mo ring papormahin ang nagkukunwaring gusto ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-16-24-29-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang mapansin ang mga munting langgam. Kung saan, ito rin ay isang paalala sa iyo na mag-ipon ka para sa kinabukasan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-22-35-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiwas ka sa mga bagay na nagbibigay sa iyo ng takot at alalahanin. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-10-16-22-31.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang sulyap na masusundan ng titig ang ipupukol sa iyo. Tatalab ito sa iyo at ang kasalukuyang pag-ibig mo ay maaaring mayanig. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-19-23-26-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page