Horoscope | Setyembre 24, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2023 (Linggo): Pag-ibig ang bubuhay sa iyo, kaya huwag kang matakot magmahal, dahil sa pag-ibig ka rin susuwertehin. Kaya ano pang hinihintay mo? Umibig ka na!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga araw na ito na kung kailan sobrang close kayo ng mahal mo, pagmamahalan ang dapat na mamagitan sa inyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-9-12-15-27-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan lang. Ang pagmamahal ay hindi dapat minamadali. Dahil, ang mga taong mabibilis maglakad ay napapatid. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-19-22-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Pahinga ang iyong kailangan, hindi dahil pagod ang iyong katawan kundi ang isip mo ay makikitang ayaw huminto sa kakaimbento ng mga senaryo. Kaya ipahinga mo rin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-2-17-24-32-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit madagdagan ang timbang mo, mananatili ka pa ring maganda, at ang iyong gayuma at karisma ay mas lalo pang titindi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-21-36-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang mag-ipon upang muli kang makatulong. Ito ngayon ang misyon mo rito sa mundo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-13-16-24-27-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahatulan ng langit ang mga taong masasama. Magkagayunman, magtiwala ka pa rin sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-19-23-28-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung anong bagay ang nakasanayan mo ‘yun ang iyong gamitin, hindi ka dapat ngayon sumubok ng mga bagay na hindi mo pa alam kung paano ang gamitin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-4-18-20-24-30
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Limitahan mo ang iyong mga kilos. Kapag sobra kang napagod, hihina ang iyong katawan at maaari ka pang magkasakit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-19-22-28-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagdadatingan ang mga magagandang oportunidad sa buhay mo. Kapag nagawa mong magpirmi sa inyong tahanan, mabilis na mapapasaiyo ang suwerte at pagpapala. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-9-20-25-29-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong awatin ang mga taong matitigas ang ulo. Oo, mga pasaway sila pero may takot pa rin naman ang mga ito. Sa katunayan, nag-iingat din sila sa kanilang ikinikilos. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-7-17-20-23-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong panghinayangan na lumayo sa kanila, dahil babalik din naman sila sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-17-19-25-29-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalong dumarami ang mga mandaraya, kaya ingat ka, dahil sila ay nagkukunwaring tunay at masarap na maging kaibigan. Pero, sila ay may masamang motibo para sa iyo. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-27-31-35-40.




Comments