top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Setyembre 23, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 23, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 23, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2023 (Sabado): Sa negosyo ka bagay, ito ang dahilan kung bakit hindi ka tumatagal sa mga pinapasukan mong trabaho. Kaya ano pang hinihintay mo? Magnegosyo ka na!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis ang mga pagpapasya mo, ang nakakatuwa, tama lahat ang pasya mo. Kaya, huwag kang mag-alala kapag napansin mong parang hindi ka na gaanong nag-iisip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-27-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sabihin mo kung ano ang gusto mo, huwag kang mag-alinlangan habang ikaw ay nagsasalita. Sa ganitong paraan, hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-21-24-33-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Hinihintay na ng langit ang iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-23-26-34-41

CANCER (June 21-July 22) - Mabibilis ang mga kaganapan, kaya dapat mabilis ka rin. Kapag mabagal ka mauunahan ka ng iba sa mga bagay na gusto mong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-28-35-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka, pero dapat masaya kang nag-uutos, ito ay para masaya rin ang lahat at para magkaroon ng pagkakaisa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-22-31-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Suwerte ka ngayon. Alam mo kung sino ang mamalasin? Walang iba, kundi ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-17-25-34-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Maganda mong pinagmamasdan ang mundo. Dahil sa magagadang kapalaran mo, nag-uunahang dumapo sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-19-24-33-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisali sa anumang pagtatalo nila. Kapag hindi ka nakisawsaw, ang mga suwerte ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-9-21-27-39-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung nasaan ka, huwag kang umalis. Ibig sabihin, hindi ngayon ang panahon upang lumipat ng iyong trabaho. Maghintay ka ng tamang panahon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-18-25-29-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalik ang iyong karisma at mas malakas ito ngayon. Gamitin mo ito sa anumang layunin mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-19-26-31-35-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-ingat ka sa pagpapasya. Huwag mong kalimutan na nasa huli ang pagsisisi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-13-29-35-40-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit, para maging malaki at marami ang mapasaiyo, pasayahin mo ang mga taong hindi mo kaanu-ano. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-23-27-33-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page