top of page
BULGARY - MOIRA, UMAMING ALAM ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA SAM AT CATRIONA_IG _moiradelat

Horoscope | Setyembre 20, 2026 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2026 (Linggo): Dahil likas ang kabutihan ng loob mo, magiging mabait din sa iyo ang langit. Kaya patuloy kang pagpapalain at pagkakalooban ng mga biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalagang tumulong ka sa mga nangangailangan. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang langit, at ang iyong kahilingan ay agad na aaprubahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-15-20-23-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Minamahal ng langit ang mga taong mapagmahal. Isabuhay mo ito upang mapasaiyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-12-19-24-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Papalarin ka ngayon, lalo na kung lalabas ka ng bahay. Sa paglabas mo ng bahay, ang suwerte at magagandang kapalaran ay biglang bubuhos sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-11-17-26-29-42.


CANCER (June 21-July 22) - Mananalo ka ngayon, pero kailangan mo munang makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-15-18-21-37-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sundan mo ang iyong pangarap dahil ang may pangarap ay higit na maganda kaysa sa walang pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-22-29-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Sa ngayon, ibinabalita ng iyong kapalaran na ang iyong kawalang-gana na itodo ang iyong pagsisikap ay kukupas na, kaya ikaw ay muling sisigla. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-3-12-25-34-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababa ang iyong mga luha ngayon. Pero makakaganda ito sa iyo dahil mas mapapalapit ka sa langit at hahangaan ka sa kababaang-loob mo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-5-13-19-27-34-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nasaan ang saya, roon ka. Hindi puwedeng masingitan ka ng lungkot. Ang taong masaya ay susuwertehin dahil ang totoo nito, ang mga suwerte ay sadyang dumadapo sa masasayahing indibidwal. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-16-18-24-33-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahigpit na ipinapayo na igalaw mo ang iyong mga kamay, kahit wala kang ginagawa. Ito ang sikreto para lumapit sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-16-28-31-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghanda ka! Ihanda mo ang iyong sarili dahil nagbabalita ang iyong kapalaran na ang malaking suwerte ay darating na sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-17-25-30-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itago mo ang lihim na iyong madidiskubre. Hindi magandang katuwiran na dahil ito ay totoo, ibibisto mo na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-21-32-35-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagmamadaling dumating sa buhay mo ang ilang magagandang kapalaran na sapat para madama at masabi mong hindi ka nakalimutan ng langit. Kaya naman sa araw ring ito, pagkakalooban ka ng langit ng mga biglaang suwerte na hindi mo inaasahan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-15-20-33-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page