Horoscope | Setyembre 22, 2023 (Biyernes)
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 22, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2023 (Biyernes): Gamitin mo ang iyong kakayahan upang paramihin ang isang bagay. Sa ganitong paraan, tiyak ang pagyaman mo. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga gumugulo sa iyo, dahil wala ka rin namang mapapala sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-9-19-23-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang nakatulong sa iyo noong ika’y nagkaroon ng problema, siya rin ang maasahan mo sa oras ng kagipitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-22-31-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) – Mag-ingat ka, dahil may mga haharang sa landas na iyong tinatahak. Kung hindi ka mag-iingat, maaari kang makaranas ng panandaliang kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-17-21-29-31.
CANCER (June 21-July 22) - Maglilitawan ang mga kontrabida sa buhay mo. Pero, kapag nakita nilang gumaganda ang iyong kalagayan, magugulat ka dahil lahat sila ay magiging mabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-20-32-34-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakaharap mo ang iyong anino. Taglay niya ang iyong mga kaninaan. Siya ay sobrang kaiinisan mo. Pero, huwag mo siyang aawayin dahil kayo ay iisa lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-25-28-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalabas ang tinatago mong galing at husay. Simula ngayon, gamitin mo ang mga ito nang sa gayun mabilis kang umunlad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-9-17-22-24-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Obserbahan mo ang iyong paligid. Kapag may nakita kang hindi maganda, lumayo ka agad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-13-20-36-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na may makakabangga ka. Hindi mo sila dapat patulan. Mas mataas ka kaysa sa kanila. Kapag ‘di mo sila pinatulan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-9-11-16-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulungan mo silang mga mahihina, at kapos sa kaalaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-27-33-36-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Mamahinga at magsaya ka. Sa ganitong paraan, manunumbalik ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-18-27-29-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Humihina ang lahat ng bagay sa mundo. Maski ang pag-ibig ay nanamlay din. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-17-22-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay na nakikita mong nararanasan ng kapwa mo. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang ganitong sitwasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-19-27-31-40.




Comments