Horoscope | Setyembre 19, 2026 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 19, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 19, 2026 (Sabado): Kabilang ka sa iilang mapalad. Bukod sa sarili mong buwenas, ang suwerte ng iba ay sa iyo pa mapupunta.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang masaya, sa kanya ka dumikit nang sa gayun ay masungkit mo ang suwerteng gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-11-18-21-32-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kambal-kambal na suwerte ang mapapasakamay mo kapag nagawa mong magpakita ng pagmamahal sa hindi mo naman kakilala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-13-20-24-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Pasayahin mo ang mga musmos. Ito ang isa sa sikreto upang dumagsa sa iyo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-17-22-26-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bigyan-pansin mo ang matagal mo nang hindi pinapansin. Magugulat ka, dahil kikilos ang iyong kapalaran at ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-25-36-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magiging sanga ka ng grasya mula sa langit, dahil dito makakatanggap ka ng maraming biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-18-23-35-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang galing mo sa pagkita o hindi sa mga bagay na pinagkakaabalahan mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-11-27-31-33-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinisinop ang pinaghirapan at hindi basta-basta na lang hinahayaang mawala. Alalahanin mo ang mga hirap, pagod at pagsasakripisyo mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-13-20-28-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpakumpiyansa sa magandang takbo ng negosyo. Kapag kumita ka ng malaking halaga, mag-ipon ka nang mag-ipon para sa panahon ng kagipitan ay may mahuhugot ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-16-19-26-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantalang lumiligaya ang mga galante. Gayunman, huwag na huwag mo silang tutularan. Muling ipinaalala ng iyong kapalaran ang kahalagahan ng paghahanda para sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-22-25-35-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa nang umasa! Mas maganda kung kumilos ka sa sarili mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-15-19-27-31-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa araw na ito, bibigyan ka ng mga suwerteng ang langit mismo ang nagkaloob. Muli, para ito sa iyo at hindi para sa iba, kaya pahalagaan at mahalin mo ang mga suwerteng iyong natatanggap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-21-28-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mga taong tumalikod sa iyo ay muli nang babalik. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-14-29-33-36-38.



Comments