top of page

Horoscope | Setyembre 20, 2025 (Sabado)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 20, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2025 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng magandang kapalaran dahil hinahangaan ka ng langit sa iyong kabaitan. Ito ang ginagarantiya ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pupunan ng langit ang mga pagkukulang mo. Ang mga kahinaan at kapintasan mo ay babalewalain, lalo na’t gusto mong gumanda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-33-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo muna ang iyong makakaharap. May ilan na porma lang nang porma, pero wala ka namang maaasahan o mapapala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-32.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Habang padami nang padami ang naiinggit sa iyo, mas lalong dadami ang hahanga sa iyo. Ito ang magiging dahilan upang lalo ka nilang panggigilan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-20-31-36-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kunin mo ang wala sa iyo, habang ang mga bagay na meron ka ay huwag mo nang pansinin. Ito ang sikreto para lumigaya ka lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-25-31-33-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa sa iyo na at huwag mo na itong hayaang mapunta sa iba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-18-27-35-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Baguhin mo ang naiplano mo na at itugma mo ito sa mga kasalukuyang nagaganap. Hindi masama ang pabagu-bagong pasya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-17-28-30-38-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapalit ngayon ang panahon na nagsasabing ikaw na nasa ilalim ay mapupunta sa itaas. Gayunpaman, panatilihin mong nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-12-22-25-34-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala, ang nararamdaman mo ngayon ay dahil lang hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Subalit, ibinabalita sa iyo na darating na ang mga araw na bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-21-33-36-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bigyan mo ng sapat na oras ang mga taong malalapit sa buhay mo, ngunit hindi naman kailangan na maghapon o buong araw. Ang mahalaga ay makausap mo sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-20-29-31-37-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdagan mo pa ang pagkilos, nang sa gayun ay mas marami kang makuhang suwerte. Gawin mo na ito para ‘di ka manghinayang. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-10-16-24-35-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat maapektuhan ng problema ng iba. Magsaya ka kahit sila ay may mga problema. Mas maganda ito kesa naman sumawsaw ka pa sa problema nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-19-21-28-39-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humingi ka ng payo sa pinagkakatiwalaan mo at huwag na huwag kang hihingi sa kung sinu-sino lang, dahil baka mapahamak ka pa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-34-37-43.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page