Horoscope | Setyembre 20, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Sep 20, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2023 (Miyerkules): Mapapasaiyo ngayon ang iyong pinapangarap, gaanuman ito kalaki o kaliit, dahil ito mismo ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kontrolin mo ang iyong emosyon, hawakan mo ang iyong damdamin, at ‘wag kang mainip, dahil paparating na sa'yo ang mas malaking suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-18-21-30-39
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit wala kang gaanong ginawa ang suwerte ay tuluy-tuloy pa ring darating sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-17-19-20-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Maghanda ka, kahit medyo matagal pa bago kayo umalis. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-27-31-40.
CANCER (June 21-July 22) - Alisin mo ang pag-aalala at takot sa iyong isipan. Dapat kang lumabas ng bahay, dahil sa iyong paglabas, may suwerte at magandang kapalaran kang makakasalubong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-17-25-26-28.
LEO (July 23-Aug. 22) – Mapalad ang mga taong nakakapaghintay. Kung hindi pa dumadarating sa iyo ang iyong inaasam-asam na suwerte, maghintay ka lang, dahil mas malaki pa sa inaakala mo ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-16-25-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging huwaran ka sa pagiging masunurin. Ipakita mo sa mga taong malalapit sa'yo na mas magandang sumunod kaysa sumuway. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-13-14-20-28-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi agad natatablan ng sakit ang mga taong malilinis. Samantala, ang mga taong 'di nakaugaliang maglinis ay siyang lapitin ng mga sakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-29-30-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lahat ng tao ay may pangangailangan. Pero ikaw, kaya mong gumawa ng paraan upang makatulong sa kanila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-27-30-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ang saya tingnan 'pag ang mga tao ay nagtutulung-tulungan. Malasakitaan mo ang iyong mga mahal sa buhay upang lalong dumami ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-20-25-27-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alalahanin mong hindi sa lahat ng pagkakataon, salapi o pera ang nagpapasaya sa mga tao. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-23-27-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masosorpresa ka sa mga magaganap, dahil 'yung gusto mong mapunta sa iyo, ay 'di kailanman mapapasaiyo. Pero, 'yung bagay na ayaw na ayaw mo ang mapapasaiyo. Ang nakakagulat pa, ito rin mismo ang magdadala sa iyo ng mas malaking suwerte at ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-16-25-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Binibigyan ang wala at ang mga suwerteng mayroon ay dapat na mamahagi. Saan ka ba kabilang sa dalawa? Huwag ka nang mag-isip pa, dahil ikaw ay napapabilang sa mga masuwerte, kaya tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-17-26-27-31-42.




Comments