top of page

Horoscope | Setyembre 2, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 2, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2025 (Martes): Pinagpapala ang mga taong may mabubuting kalooban. Ito ang dahilan kung bakit napabilang ka sa mga pinagpala. Ito rin ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang takdang araw upang gawin mo ang pagkakawanggawa. Kapag ginagawa mo ang pagkakawanggawa, tiyak na susuwertehin at gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-19-26-28-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humugot ka ng lakas ng loob sa mga nagmamahal sa iyo. Kumuha ka ng tapang sa mga taong nagtagumpay na. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-21-27-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ibalik mo ang dating ikaw na inuunawa ang iba. Dahil matatagpuan na ang una mong pinahahalagahan ngayon ay ang iyong sarili at katuwiran. Pero ngayon, unahin mo naman ang katuwiran ng iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-16-25-35-43.


CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ngayon ang masusunod. Ang sumuway sa iyo ay tiyak na aani ng pangit na kapalaran, habang ang aayon naman sa gusto mo ay makakabahagi sa mga suwerteng dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-22-28-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na matatangay ka na naman ng mga taong nakukunwaring walang-wala. Pero sa totoo lang, kahit alam mong nagkukuwari lang sila, kukunsintihin mo pa rin sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-23-25-33-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo nang mahigpit ang iyong damdamin. May pagkakataong lilitaw ang iyong kahinaan, pero magpapakita ka pa rin ng katigasan ng paninindigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-24-28-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nabubuwal ang puno dahil sa malakas na hangin. Sobrang lakas ng dating ng isang nilalang na handa kang gawing bahagi ng kanyang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-24-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo ang gusto mo sa araw na ito kahit pa makaranas ka ng matinding pagkontra. Sapagkat, ito ang araw na itinakda ng langit na ikaw ay magtatagumpay sa anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-21-25-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga kitang-kita mong hindi nagmamahal sa kapwa. Mas maganda na mahalin ang kapuspalad kesa makisama sa mga mapagsamantala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-20-23-34-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang may mababang loob, sa kanya dadapo ang malalaking suwerteng ihuhulog ng langit. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Kaya magpakababa ka para ikaw ang mahulugan ng marami pang mga biyaya at suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-16-28-39-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matatauhan ka na at magigising sa katotohanan kaya iaatras mo ang pagtulong sa hindi naman talaga dapat tulungan. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-17-20-27-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon at hindi na mahalaga kung naniniwala ka o hindi, dahil noon pa nagpasya ang langit na ngayon ka bubuwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-18-23-32-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page