Horoscope | Setyembre 2, 2023 (Sabado)
- BULGAR
- Sep 2, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 2, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2023 (Sabado): Ngayon mo dapat paganahin ang iyong lakas, dahil dito ka magtatagumpay at liligaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Umiwas ka sa dikit nang dikit sa iyo. Mahina ka ngayon, kaya maaaring mahulog ang loob mo sa kanya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-23-28-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang sinasabi ng puso mo, ‘yun ang sundin mo. Hahadlangan ka ng isip mo pero ang mahalaga, gawin mo pa rin ang bulong ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-34-39-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal muli ang ikot ng iyong mundo dahil sa mga tuksong pabalik-balik sa harapan mo. Sa huli, mawawala rin ang mga ito dahil sa katangian mong pabagu-bago ng desisyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-19-25-35-39-46.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Gawin mo anumang gusto mo, ang sinumang magbigay sa iyo ng kalungkutan, ang langit mismo ang makakabangga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-19-28-37-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Palayain mo ang iyong sarili sa masaklap mong nakaraan. Ito ang susi para sa iyo upang mas lalong gumanda ang iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-19-28-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina na naman ang loob mo, bilangin mo ang nakaraang mga tagumpay mo. Sobra sa sapat ang mga ito para muli kang tumapang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-22-29-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mag-ingat ka, mas malakas sa iyo ngayon ang tukso, pero maiiwasan mo ito kung iisipin mong maaaring masira ang iyong buhay nang dahil sa tukso. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-18-21-27-28-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit. Kaya gawin mo na ngayon ang anumang maibigan mo, tiyak na mapagtatagumpayan mo ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-21-24-33-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipahalata na ikaw ay naaawa. Dahil may tsansang muli ka nilang diskartehan. Muli, ‘wag na ‘wag mong ipapakita sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-21-26-31-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka kahit na tinatamad ka. Sa iyong pagkilos, makikita mo, magiging positibo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-22-27-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsisimula na malagas ang mga dahon ng halaman. At magsisimula na ring mawala sa buhay mo ang mga matagal nang umaalipin sa iyo, ito ay para sa pagbabago ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-22-34-39-43-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat ngayon magbago ng desisyon. Ituloy mo lang ang nauna mong plano, dahil ito ang mas makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-25-37-40-45.




Comments